Ilang kilometro na ang layo ng sasakyan ng mga kabataan mula sa Villa Des Monyos. Excited na silang makauwi para tawagan ang kanilang mga magulang. Miss na miss na rin kasi nila ang mga ito, gustong nilang umapila sa eskwelahan na kung maari ay ilipat sila ng seksyon. Mabilis na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mapurok na kalsada. Tanging ilaw lamang ng kanilang sasakyan ang nagbibigay liwanag sa kanilang tinatahak na routa. Nagpout si Nadine na nakaupo sa likuran at lumapit sa radio nang marinig niya ang isang pamilyar sa kanyang kanta. Marahan niyang slinide pakaliwa ang hugis bilog na nakakabit sa speaker. Unti-unting lumakas ang tunog ng radyo, nang makuntento na siya sa lakas ng sounds, napangiti ito at itinaas ang kamay na may rock and roll sign.
Nadine:"Whooo! I love this song!" Medyo wild niyang pagkasabi, may pagkaparty-goer kasi ang dalaga kaya sanay siya sa mga ganitong tugtugan. Napakunot naman ang noo ni Venice at biglang hininahaan ang volume ng radyo.
Louie:"Its too loud Nadine." Seryoso niyang pagkasabi. Natawa naman si Red sa reklamo ng dalaga.
Red:"Alam mo Ven, party-goer kasi yang si Nadine kaya gusto niya yang mga loud musics." Paliwanag ng binata. Unti-unting kumurba ang isang pekeng ngiti sa labi ni Nadine.
Nadine:"Ooops, sorry po lola." Wika ng dalaga. Pagkatapos ay hindi napigilan ng tatlo na tawanan si Venice dahil sa sinabi ni Nadine.
Louie:"Its not funny guys, its not funny." She exclaimed. Pagkatapos ay inawat na ni Julyanne ang mga ito dahil mamaya ay magkapikunan pa.
Julyanne:"Stop it na, baka mamaya magkapikunan pa kayo diyan." Natatawa niyang pagkasabi. Dahil dito, natahimik ang apat sa kanilang pag-aasaran. Maya-maya, habang nakatingin si Blake sa side mirror ay bigla siyang napaisip.
Blake:"Hmm, ayaw pa tayo paalisin ng una pero sa dulo papayagan din pala tayo. Ang kaartihan na nalalaman nung dalawang teacher na yun." Wika niya, napayuko naman si Venice sa kanyang narinig.
Nadine:"Tell me about it, nakakasura sila. For the record, ayoko pang mamatay no." Mataray niyang pagkasabi, pagkatapos ay nasundan ito ng nakakairitang tawa. Nagbuntong-hininga naman si Venice at nagpout dahil sa kanyang mga naririnig.
Red:"Teka.. Alam niyo ba yung ginawa ni Kira?" Pag-iiba ng usapan ng binata.
Blake:"Ahhh, Oo yung kay Kira. Imba talaga yung babaeng yun. Grabe mangtrip!" Masiglang tugon niya sa kaklase. Samantalang, clueless naman ang dalawang dilag maliban kay Nadine.
Nadine:"Alam niyo, bagay lang kay Ms. Hazel yun." Dagdag ng dalaga.
Red:"Hahahaha, yeah! I agree, she has been Kirafied!" Sigaw niya, pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay pero agad din itong ibinaba dahil siya ang nagmamaneho ng sasakyan.
Julyanne:"K-Kira? Bakit? Anong nangyare?" Nalilitong tanong niya sa mga kasama.
Louie:"Oo nga, ano mayroon kay Kira at kay teacher Hazel?" Dagdag ni Ven sa tanong ni JulyAnne. Mayabang namang natawa si Nadine habang nakataas ang kanyang isang kilay.
BINABASA MO ANG
Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)
Horror"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world of St. Venille, are you ready to unfold its darkest mystery? Once you're in, there's no turning back...