STAB 10

97 18 0
                                    

This chapter is rated spg due to violence. Again, sana po makayanan po ng sikmura nyo. Maraming salamat.

Third Person's POV

Busy sa pagbabasa si Princess sa University Library at paghahanap kung ano ang ibig sabihin ng mensahe na iniwan ng killer. Halos maubos na nya ang isang shelf. Hindi nya namalayan ang oras. It is past 9:00 pm kaya nagpasya na syang umuwi at ipagpabukas na lang ang paghahanap ng sagot sa kanyang mga katanungan.

Napagpasyahan nyang itake na lang ang shortcut papunta sa bahay nila dahip sa gabi na rin. Dito sa  shortcut na ito ay madadaanan nya ang isang night club.

Habang naglalakad sya pauwi ay sa di inaasahang pagkakataon ay nakasalubong nya si Aria, classmate nya.

"Hi Aria! San punta mo?"

Kinabahan naman si Aria. Hindi nya alam kung ano ang isasagot nya dahil pag nalaman ni Princess ang totoo ay tiyak na lalayuan sya nito kaya nagsinungaling sya.

"A- ah, a-ano, mag-iinom kami nung pinsan ko. Tama! Mag-iinom kami. H-haha." Sabay tawa ng peke

Nagtaka naman si Princess sa inasal ng kaklase subalit iniwaksi na nya iyon at ipinagsawalang bahala na lang. Nagpaalam na lang sya na uuwi na sya.

"Ah, ganun ba? Sige, mauna na ako Aria ha? Ingat ka."

"A-ah sige. H-hehe."

Nakahinga naman ng maluwag si Aria nang umalis na si Cess.
Agad syang pumasok sa bar na kanyang pinagtatrabahuan. Sinalubong sya ng manager nila.

"Oh Aria, buti at nandito ka. Nga pala, may nag order sayo, puntahan mo nalang tong adress na ibinigay. Malaki ang offer nya, ₱75,000. Tiyak na gaganahan ka."

"Talaga po? Sige po. Alis na po ako."

"Sige, ingat ka."

Laking pasalamat ni Aria dahil may costumer sya. Tiyak na maypangbayad renta na sya sa kanilang inuupahang bahay at makakabili na rin sya ng makakain nilang pamilya.

Gabi-gabi ay pumupunta sya sa bar na oinagtatrabahuan nya para maghanap ng costumer.

Lingid sa kaalaman ng kanyang ina na isa syang Prostitute. Pero kahit duming dumi na si Aria sa sarili nya ay di pa rin sya tumitigil dahil na rin sa hirap ng buhay. Sa skwelahan ay nagmamaldita sya just for the people not to know her darkest secret. Hirap man sa buhay ay natutustudan naman ito ng perang galing sa mga lalaking nagamit sya.

Dahil sa excitement nya sa malaking bayad ay agad nyang pinuntahan ang adress na ibinigay ng amo nya.

Sumakay sya sa taxi at idinikta ang adress na nasa papel

"San po?"

"Red Village po, Death Street, house 666."

"Alam mo bang minsan na lang may dumaan sa Death Street ineng?"

Nagtaka naman si Aria

"Uh bakit naman po?"

"Marami kasing pinatay doon kaya tinawag na Death Street, lalo na yung bahay na kulay pula, parang demonyo daw kasi ang nakatira."

Natakot naman daw si Aria sa narinig nya pero buo na ang kanyang desisyon, dahil kung hindi sya makakapunta sa costumer nya ay tyak na palalayasin na sila sa inuupahan nilang bahay. Sayang naman kung magpapadala sya sa takot nya.

"May kaibigan kasi akong dadalawin manong eh."
Pagsisinungaling nya

"Hija, dito na lang ako. Di na kasi pwesdeng pumasok. Ingat ka ah."

BACKSTABBER (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon