Nuong unang panahon, nuong ang malaking bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang BANAHAW, mayroon ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na ito na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.Sa maraming mag-aanak na roon nakatira, isa rito ang mag-asawa na sina Lukban at Bayabas, at ang nag-iisa nilang anak na lalaki na si Limbas. Namumukod tangi sa lakas, tapang, at bilis si Limbas. Sa kaniyang panudla, bihirang makatakas ang alin mang mga hayop na matamaan nito, usa, baboy-damo, unggoy, at kahit pa malalaking ibon himpapawid ay hindi nakaliligtas. Kaya nama'y hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat.
Isang araw, tila bigla nalang nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak na si Limbas. Ngunit, makalipas ang pitong araw na pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas, dala ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Ganun nalang ang tuwa ng mag-asawa dahil sa buhay nila ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain.
Ang kuwento ni Limbas, isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na tila ba'y parang DIYOS ang itsura ang nabigay sa kanya ng dulot. Sa tahanan nito sa tugatok ng bundok malapit sa bunganga ng bulkan, doon isinama si Limbas. Sa lugar na iyon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, hindi lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang hardin na naroon ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. “At sumama lamang ako sa pag-uwi ng bahay at binigay ng dulot”
Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ang unang dulot na binigay ng maginoo. Nguni't ang bilin ng maginoo kay Limbas, bago i-abot at buksan ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kamay ng kanyang mga magulang bilang respeto. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot na binigay ng maginoo. Hindi minsan mang nawala si Limbas ng pituhang araw na hindi sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala at nakasisiya sa kanyang mga magulang.
Minsan, pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang binigay na dulot ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan niya ang bilin ng maginoo na humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, “Narito po ang ating kayamanan, mga bolang ginto!” Subali't nang buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kun'di mga bunga ng anahaw. Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas ng: “Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!” Tila ba dumikit isa-isa ang mga bunga ng anahaw sa balat ni Limbas na para bang binabalutan siya nito upang magpalit anyo, hanggang sa magkaroon siya ng pulang mga mata, mabalahibong katawan, matatalim na kuku at pangil, at tila bang ulo ng isang lobo.
Sinabing pinarusahan siya ng maginoo dahil sa hindi siya tumupad sa bilin nito. At may mga haka-haka na katulong na ito ng maginoo ngayon na magbantay sa bundok na kanyang dating tahanan, at tuwing sasapit ang umaga ay kailangan muna humalik ni Limbas sa kamay ng maginoo upang bumalik ito sa dati niyang anyo, kung hindi, habang buhay na siyang mananaliti sa anyo niyang kalahating halimaw.
Buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
BINABASA MO ANG
Philippine Gods
Fantasy"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upang maibalik lang ang oras at mahagkan muli ang pinakamahal niya. Manhid at walang takot sa kung ano m...