"ANO BANG NAGYAYARI?" tanong ko habang nag-mamadaming isuot sa akin ni Alastair yung life jacket na dala niya. "Alastair!""Nasusunog yung likod ng yate. Hindi nila alam kung anong dahilan." Nasusunog? Tumingin ako sa bandang likod, may nakita akong maiitim na usok at liwanag na parang galing sa apoy. Nasusunog nga. Nasusunog yung sinasakyan namin, at nasa gitna kami ng dagat.
"Si Aidan?"
"Nasa likod, ginagawa—" Biglang nakarinig kami ng malakas na pagsabog. Yumanig yung yate na sobrang lakas buti nalang nakahawak ako kung saan para hindi ako matumba. "Shit! Bea, tumalon ka na!"
Talon? "Ano? Ayoko! Pano kayo? Si Aidan?"
"Pupuntahan ko siya. Tumalon kana, delikado dito!"
"Sasama ako!"
BOOM! Saka nakarinig nanaman kami ng malakas na pagsabog sa likuran ng yate, pero sa pag-kakataong 'to hindi na ako nakahawak sa kung saan, naramdaman ko nalang yung pagtalsik ko palabas ng yate at ang pagbagsak ko sa dagat.
"AIDAN! ALASTAIR!"
× × × × × × ×
EARLIER THAY DAYBatangas,
Santo Tomas[ Make Our Own Way | Little Brutes ]
Pinarada ni Alastair kalsada, saka may kinuhang box sa bandang taas ng kotse, yung lalagyan duon. "Bibili lang akong makakain." Pagbukas niya ng lalagyan sa taas, puno ng mga IDs at Credit Card yung box, puro fake yung pangalan pero mukha niya lahat nakalagay na pictures duon sa mga ID's. "May gusto kayong ipabili?"
"Wala ka bang cash? Yung totoong pera na galing sayo?" tanong ko. Ibig kong sabihin, oo, nandun na yung nagliligtas sila ng mga tao ng walang bayad pero yung gawaing ganyan. Parang ibang usapan na, puwede silang makulong dahil duon. "Wala ka bang tunay na ID?" tanong ko kay Alastair at iling lang ang sinagot niya.
"May good samaritan pala tayo ditong kasama nalimutan ko, amen." singit ni Aidan na nakaupo sa backseat, nilingon ko siya saka tiningnan ng masama na nagbabakasakali na masunog sa tingin ko. "Chill,"
"Ano? May gusto ba kayong bilihin ko? Mahaba-haba pa byahe natin papuntang Manila. Bahala kayo magutom, kapag ako nag-drive ayokong pahinto-hinto. Umihi nalang kayo sa bottled water kapag tinawag kayo ng kalikasan." Baboy talaga 'tong kapatid ko. Paano kapag ako na yung naiihi? "Aidan?"
"Energy drink. Anything to eat."
Kinagat ko yung labi ko, "Kahit ano nalang, basta makakain." Kung may dala lang talaga akong pera dito edi sana yun ba binigay ko para pambili niya, at ma-isungalngal ko ka Aidan yung matirang sukli. Kainis. Maka-good samaritan eh nakukunsensya nga ako, anong magagawa ko?
Lumabas na si Alastair, naiwan kami ni Aidan sa kotse.
Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil nagbabasa lang ako ng libro magdamag, pero narinig ko sila na nag uusap at binanggit yung Batangas. Siguro nasa lugar kami kung saan sa Batangas, dahil papunta kami sa isla kung nasaan si Papa, o yung kumuha sa kanya, o clue kung saan siya makikita. Hindi pa namin talaga alam kung anong makikita namin duon pero kailangan namin pumunta dahil duon yung sinabi ni Dumakulem na lugar.
Nagulat ako nang dumungaw yung ulo ni Aidan sa gilid ko, hahampasin ko na sana siya ng libro na binabasa ko pero pinatay niya lang pala yung tugtog.
May hinugot siyang parang drawer sa bandang ilalim ng radio ng kotse saka nagkalkal, "Seriously?" Kinuha niya isa-isa yung cassette tape na nakita niya. "Tao ba yang kapatid mo? Little Brute? Dolly Parton? Brett Eldredge? Tim Mcraw? Brad Paisley? Dan Fogelberg? Country. May alam ba siyang mga bagong kanta ngayon?" angal niya sabay balik sa pagkakaupo sa likod.
BINABASA MO ANG
Philippine Gods
Fantasy"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upang maibalik lang ang oras at mahagkan muli ang pinakamahal niya. Manhid at walang takot sa kung ano m...