"Samar?" tanong ko. "Sigurado na ba kayong may impormasyon tayong makukuha duon tungkol sa kung nasaan si Papa? Ang layo nun dito. Ilang oras byahe, baka bumalik lang ulit tayo, mag-isip muna kayo."
Nasa kotse kami ngayon papunta sa Samar, gabi na at wala na akong makita na kahit ano sa dinadaanan namin kundi puro puno, lote, at walang katapusang kalsada. Parang hindi na nga Pilipinas 'tong dinadaanan namin. Parang papuntang purgatoryo na 'ata kami. Nakakatakot, wala ka talagang makitang tao kahit isa.
"Kaya nga sasakay tayo ng ferry sa Matnog Terminal." sabi ni Alastair habang nagmamaneho. "Mapapabilis yung byahe natin duon."
"Bahala kayo. Pag ako nag-kalat dito sa tagal ng byahe—"
"Subukan mo lang, Betty." Sabi ko na nga ba eh. "Subukan mo lang dumihan 'tong kotse ko. Kagagawa lang neto, baka gusto mong bumalik tayo sa Manila at bumalik ka sa pag-aaral mo duon."
Sabi ka na, pag dating' talaga sa kotse ang sensitive niya. Gasgas-an ko kaya 'to minsan. Para lang tignan natin kung gaano niya kamahal yung kapatid niya kesa sa kotse niya. Ay wag na nga, alam ko namang mas pipiliin niya kotse niya. Wala akong chance.
"Magpatugtog na nga lang kayo."
Binuksan ko yung parang drawer sa gitna ng kotse, saka nag-halungkat ng maganda gandang cassette tape. May nahanap akong tape ng album ni Tim McGraw, kaya yun nalang kinuha ko, tutal kilala ko naman yung singer na yun. Pagbukas ko ng case may nakita akong nakaipit na papel sa tabi ng cassete tape.
"Alastair, ano 'to?" Kinuha ko yung papel saka binuklat sa pagkakatupi. May nakasulat na mga numbers. Coordinates 'ata. Saka may initial name ni Papa sa bandang baba ng papel. "Galing kay Papa?"
Lumingon sandali sa akin si Alastair para tignan kung ano yung sinasabi ko, "Ah, yan. Wala yan. Minsan kasi iniiwan niya ako para mag-hunt mag-isa, diyan niya sa cassete case kadalasan nilalagay yung location o anong note na kailangan niyang sabihin sa akin. Kasi minsan bawal malaman ng iba yung mga pinupuntahan niya."
× × × × ×
Pagsanghan,
Samar[ Garden | Sean Hayes ]
When the morning breaks
We will be out walkingNagising ako sa ganda ng kantang naririnig ko, napaka-kalma, para akong nasa isang gubat na walang maririnig na ingay ng syudad. Pagmulat ko, yung bintana agad yung nakita ko, ingay ng sirena ng ambulansya, tilaok ng manok, at yung pumapasok na sikat ng araw sa bintana na hindi masyado naagiwan. Panira ng mood, ang ganda na ng gising ko eh.
Umaga na pala. Ang haba ng biyahe kahapon, sumakay pa kami ng ferry, buti nalang naabutan namin. Anong oras na kami nakarating dito sa Pagsanghan, nag halughog pa kami ng apartment, wala kaming makita, buti nalang may nakita kaming boarding house para tuluyan muna namin. Hindi na kami nagni-arte dahil gusto na talaga namin magpahinga kahapon sa sobrang pagod.
We will watch the sun
Rise above the wallBumangon ako sa pagkakahiga ko, una kong napansin yung casset player na maliit sa lamesa malapit sa kama na tinulugan ko. Hindi ko alam kung kanino galing yun, pero kung sa kanta tatanungin malamang kay Alastair yan, hilig niya sa ganyang klaseng mga kanta. Yung Alternative Folk genres, dun nagkakasundo kami sa mga kanta, ang sarap kasi pakinggan lalo na kapag umuulan.
We will ask ourselves
What road to take"Alastair?" tawag ko, paglingon ko sa kabilang kama, wala siya. Tumayo ako at pumunta sa kabilang kuwarto kung nasaan si Aidan para sana tanungin kung alam niya kung nasaan si Alastair.
BINABASA MO ANG
Philippine Gods
Fantasy"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upang maibalik lang ang oras at mahagkan muli ang pinakamahal niya. Manhid at walang takot sa kung ano m...