Somewhere in Makati
September 2022
What's Up!
Kamusta na? Sana ok ka lang. Sa buhay natin nakakaramdam tayo ng pagod at napapaisip na worth it ba itong ginagawa natin. Lalo na sa trabaho gusto na natin magresign at lumipat sa iba. Pero kung ganun pa rin ang mindset natin ay paulit-ulit lang ang mangyayari. Mapapagod, susuko at maghahanap ng iba. Paulit-ulit lang paano ka magiging succesful niyan?
Sa aking pagtanda nagkaroon ako ng interest na pag-aralan ang Stoicism. Noong panahong naguguluhan ako at nais kong marefresh ang isip ko. Iniisip ng karamahin sa atin na boring ang philosophy, na magbabasa tayo ng mga makakapal na libro at pag-aaralan ang mga aralin noong panahon pa ng ancient Greece. Ako din noon ganito. Philosophy ang isa sa mga ayokong subject sa college. Ngayon ko lang natanto na importante pala pag-aralan ito. Mahahasa nito ang ating character at virtue. May dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ang philosophy na nabuo noong unang panahon. So ano nga ba ang pilosopiyang Stoicism?
Ayon sa holstee.com: Stoicism is a school of philosophy that hails from ancient Greece and Rome in the early parts of the 3rd century, BC. It is a philosophy of life that maximizes positive emotions, reduces negative emotions and helps individuals to hone their virtues of character.
Iniisip ng iba na ang isang Stoic na tao ay yung walang emosyon, na wala man lang reaction sa mga pangyayari. Doon sila nagkakamali. Itinuturo ng Stoicism ang think positive, wag hahayaan ang mga pagsubok natin sa buhay na hadlangan ang ating mga plano at pangarap, to treasure every moment, tanggapin ang bawat misfortune na darating, self control, ang how to live a great life thru self-mastery, courage, perseverance and wisdom.
Magandang example sa teachings ng Stoicism ay kapag bumagsak ka sa isang subject sa school. Yung iba tao ay malulungkot, susuko na agad, liliit ang tingin sa sarili, mawawalan na ng will para muling bumangon. Pero ang isang Stoic ay hindi hahayaang maapektuhan siya ng misfortune na ito. Tatanggapin niya ang pangyayaring ito at magiging aral ito sa kanya para muling bumawi sa susunod. Aalamin niya kung saan nagkamali at kung saan siya nagkulang. Nangyari na din ito sa akin nong kumuha ako ng board exam ng medical technologist. Bumagsak ako. Hindi ko nakuha ang matagal ko nang inaasam na maging registered medical technologist. Oo nalungkot ako nun at nahiya ako lalo na sa aking pamilya dahil inaasahan nila na papasa ako. Iyon ang madilim na bahagi ng aking buhay. Pero hindi ako sumuko. Yung mga kaklase ko RMT na at nagsisimula nang magtrabaho. Hindi ko pinansin iyon at hindi ako nainggit dahil alam ko na darating din ang oras ko. Nagreview ulit ako at sa pangalawang take ay pumasa na ako.
Nakatulong ang Stoicism sa akin lalo na sa aking pagkatao, sa aking trabaho, sa aking relasyon sa iba at kung paano ko tingnan ang buhay. Natutunan ko ang self control, maging matapang, na iwasan maging judgemental sa iba at to keep learning. Ang apat na ito din ang four cardinal virtues ng Stoicism kung saan ay idi-discuss ko sa mga susunod kong entry.
Minsan sa buhay kailangan mo lang maniwala at maging matapang na kakayanin mo. Wag kang matakot na mabibigo ka kaya hindi mo na susubukan. Darating ang oras na panghihinayangan mo ang mga missed opportunities. Kagaya na lang dito sa Wattpad. Huwag mong iisipin ang number of reads and votes basta magsulat ka lang. Regular dapat ang update mo. The process will hone your skills. Walang mangyayari kung pangungunahan ka ng takot.