#7 Wastage

2 0 0
                                    

Somewhere in Makati

June 2023

What's up everybody!

Ano na? Kamusta na? Buwan na ngayon ng June. Kalahati na ng taon ang lumipas. Matapos ang walong buwan muli akong nagbabalik. Ang tagal din. Maraming araw ang dumaan. Maraming oras ang nasayang. Hindi ko namalayan. Naging abala ako sa trabaho. Napagod kaya natulog na lang at hindi na nagawang magsulat. Ewan ko ba nawala ang motivation ko. Gustong-gusto kong ipatuloy ang blog na ito pero nawawalan ako ng gana. Tinamad ako. Ito ang passion ko pero hindi ko mapatuloy. Pero ngayon nagbabali ako. Sana tuloy-tuloy na. Sarili ko lang ang makakatulong sa akin.

"You must build your life action by action, and be content if each one achieves its goal as far as possible – and no one can keep you from this." – Marcus Aurelius

Nadala ako sa mga obstacle at temptation kaya hindi ko nagawa ang passion ko. Nasobrahan ang pagrerelax ko. Sinayang ko ang mga oras. Siguro may natapos na sana akong nobela ngayon kung tuloy-tuloy lang ang pagsusulat ko. Na-launch ko na siguro ngayon ang website ko. Kailangan ko baguhin muli ang mindset ko. Hindi pa naman huli ang lahat. Day by day kailangan may gawin ako. Kahit isang paragraph lang ang masulat ko or isang blog ang ma-post ko.

Let's be satisfied to small victories. Maliit man yan improvement na iyan. Oo dream big by let's achieve it step by step. Ayoko na sayangin ang bawat oras. Basta may free time or I will make the time to write. Passion ko ito eh. Hilig ko ito.

Kaysa magmukmok ako sa walong buwan na lumipas, kikilos na ako. I will start from scratch. I will build myself up to achieve my dreams. I will establish new habits and start writing again. Time is precious. Remeber memento mori. Remeber that you will die. We are dying everyday so we must take every moment as gift or blessing and make the most of it.

One day at a time. What matters is consistency not quantity. Just write everyday. Don't think how many words you write. Be consistent. Be present. I see writing as a habit and I wish someday I'll be successful enough to monetize it.

Hindi ko na sasayangin ang bawat sandali. Ie-enjoy ko ang bawat oras na magsusulat ako. Imo-motivate ko ang sarili ko. Kung mawala man ang motivation o inspiration, hahanapin ko.

What's UpWhere stories live. Discover now