Somewhere in Pasig
September 2023
What's up everybody!
"It does not matter what you bear, but how you bear it." – Seneca
Noong isang araw tinanong ako ng katrabaho ko kung paano ko nagagawang maging unbothered kung saan hindi ako natataranta, relax lang, at hindi naaapektuhan sa mga problema. Sumang-ayon naman yung iba ko pang mga katrabaho na ganun din ang obserbasyon sa akin. Compose lang kasi ako at relax tuwing may problema sa work (sa medical world "toxic"). Sila kasi natataranta, stress na stress at hindi na alam kung ano gagawin. Gusto daw nila ng ganun kaya tinatanong ako kung paano ko yun nagagawa.
Napaisip tuloy ako kung paano ko nga ba iyon nagagawa. Siguro nasanay na ako nang ganun kahit dati pa ay ganun na ako. Ayoko kasing magpaapekto at mastress sa mga problema. Kasi ang problema ay hindi natin maiiwasan. Nandyan na yan. Hindi natin kontrolado kung kailan yan darating. At kung dumating ang problema dapat handa ka kung paano ito haharapin. Sabi nga ni Ryan Holiday: You control how you play. Ang tanging kontrol mo ay paano ka magrereact at paano mo haharapin ang problema.
Later on noong madiskubre ko ang Stoicism nalaman ko na tinuturo din ng pilosopiyang ito kung paano mo haharapin ang isang problema. Sabi nga ni Seneca: It does not matter what you bear, but how you bear it. Hindi natin kontrolado ang mga problema, circumstance at kung ano ang tingin nga ibang tao sa atin. Ang tanging kontrolado natin ay kung paano natin haharapin ito.
Sinagot ko sa mga katrabaho ko ay ito: Bakit paako mastress sa problema kung nandyan na yan. Gagawin ko na lang ang trabaho koat lilipas din yan. Eight hours ang duty natin at kinabukasan may bagongproblema na naman kaya wag niyong hayaan guluhin ng isang problema ang sarilinyo dahil baka magkamali pa kayo at mawalan ng focus.
