#2 Me This Is

13 1 2
                                    


Antipolo Hills, Antipolo City

July 2020

What's up everybody!

So it's been six months since na nagsulat ako. Nagsabi pa naman ako noong new year na once or twice a week akong mag-update dito sa aking munting blog. Pero ito nga inabot ng madaming buwan noong huling beses ako nagsulat. Hindi ko nasunod ang new year resolution ko na regularly na magsusulat. Nabigo ko doon ang sarili ko pero chance may pa para magbago at bumawi kaya laban lang and keep moving forward.

Sa mga nagbabasa ngayon nitong blog ko, alam naman natin na may mabigat na pinagdadaanan ang mundo dahil sa sakit na COVID-19 na mabilis na kumakalat at nakakamatay sa mga mahina ang immuno comprised o may iniinda na ibang sakit (e.g. diabetes, pneumonia etc.) Under quarantine tayong lahat and nag-aadjust sa new normal. Sana sa mga panahong ito may ginagawa tayo na magpapa-improve pa sa ating pagkatao kagaya ng bagong hobbies, business ideas, mag-exercise and ang mas gusto kong gawin: to read more books. Iwasan din muna natin ngayon ang gumala-gala sa labas kasi kahit na feeling natin wala tayong sakit eh baka asymptomatic tayo at hindi natin alam makahawa tayo. Tiis lang muna kasi magbabalik din sa normal ang lahat kung tayo'y magtutulungan at magkakaisa.

Anway, sinabi ko pala noong last blog ko na magkukuwento ako about sa sarili ko. Twenty-seven years old na ako ngayon at nagtatrabaho ako bilang medical technologist sa isang clinic sa Cainta. Karamihan sa inyo siguro tinatanong na ano ang medical technologist o medtech. Kami mo po yung mga tao sa laboratory sa isang health facility (e.g. hospitals, clinics etc.) Kami yung nagco-collect ng dugo niyo, nag-analyze ng ihi, dumi, plema, at kahit ano pang bagay na ire-request ng doctor para malaman ang sanhi ng inyong sakit. Sa madaling salita kami ang tumutulong sa doctor para madiagnose kung ano ang sakit niyo.

Bakit ako nagmedtech? Noong high school pangarap ko kasi maging doctor kaya naghanap ako kung ano ang magandang pre-med na course. Sinuggest ng mommy ko ang medtech kasi daw sa laboratory lang ako magtatrabaho at wala masyadong interaction sa tao. Mahiyain din kasi ako noong panahong iyon. Pumayag ako sa suggestion ni mommy kahit na kaunti lang alam ko sa medtech na course.

Inaamin ko na nahirapan ako sa college. Ilang subjects din ang naibagsak ko. Yung kasipagan ko sa pag-aaral noong high school ay bigla na lang nawala nang mag-college ako. Nawala ang hilig ko sa pag-aaral dahil hindi ako interesado sa mga subject ng aking course. Naramdaman ko na hindi siguro para sa akin ang kursong ito pero nanghinayang ako sa tuition fee na ginastos ng parents ko kaya pinatuloy ko pa rin hanggang sa matapos ko. Na-delay lang ako ng isang semester dahil nga sa bumagsak ako sa ilang subject.

Ngayong almost five years na ako nagtatrabaho as a medtech. Nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko ngayon kasi pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon. Kaso ito lang ang masasabi ko sa inyo: hindi kayo yayaman kung medtech kayo. Compare sa ibang bansa, napakaliit ng sahod naming mga medtech dito sa Pilipinas pati na rin ang ibang health care workers. Kahit ngayong panahon ng pandemic walang increase ng sahod. Tatagal ka sa trabahong ito kung passion mo ito pero kung gusto mong yumaman maghanap ka na ng ibang trabaho.

Ang masasabi ko lang, just love and be passionate to your job. Darating din naman ang panahon na mabibigay sa iyo ang reward na deserve mo. Pero sana mabigay sa aming mga health care workers ang tama at makatarungang sahod.

Yung lang muna ang ikukuwento ko at sa next blognaman more about sa personal life ko naman. Thank you and God bless.

What's UpWhere stories live. Discover now