#3 Resurgence

13 1 6
                                    

Somewhere in Makati

September 2022

What's up everybody!

Nakakatawang isipin na two years ang lumipas noong huling beses akong nag-update dito. Ang bilis lumipas ng panahon. Dalawang taon. Parang pumikit lang ako at pagdilat ko mabilis na lumipas ang oras. Twenty seven years old lang ako nun tapos ngayon ito na ako ilang buwan na lang talongput taong gulang na. Nasa kalahati na ako ng buhay ko pero pakiramdam ko wala pa akong na-accomplish. Alam ko karamihan sa atin ay ganito ang palaging naiisip: I'm a failure, wala akong future, hanggang dito na lang ba ako? Ganito ang madalas na laman ng isip ko. Tuwing umuuwi ako galing trabaho napapaisip ako ng ito na lang ba ang gagawin ko hanggang sa mamatay ako. Walang excitement. Hindi ko nagagawa ang passion ko. Paulit-ulit na lang ang mga pangyayari sa araw-araw. Rotating in a constant loop. Napapatawa na lang ko na may consistency din pala ang buhay ko.

Nakatira na pala ako ngayon dito sa Makati para mapalapit ako sa bagong hospital na nilipatan ko. Kung nabasa ninyo ang huling entry ko ay alam niyo na isa akong medtech. Oo hanggang ngayon medtech pa rin ako. Ang trabaho ko ang isa sa mga reason kaya naiisip ko na wala akong accomplishment sa buhay ko. Pakiramdam ko na hanggang dito na lang ako. Madami nang nag-aabroad dahil sa trabaho ko dalawag destinasyon lang ang pipiliin mo para maging successful either: mag-aral ka muli para maging doktor o mag-abroad ka para sa malaking sahod. Kapag dito kasi talaga sa Pilipinas ay walang future kaming mga nasa medical field maliban na lang kung doctor ka. Sa ngayon naguguluhan pa ako kung mag-aabroad ba dahil sa totoo lang ayokong magtrabaho sa ibang bansa. Maliban sa malayo sa aking pamilya ay iba ang environment at kultura. Gusto kong magbakasyon sa ibang bansa at hindi ko gustong magtrabaho doon.

Lumipat din pala ako nga tirahan dahil gusto ko din maging independent. Mabuhay na hindi umaasa sa mga magulang ko. Umuuwi pa rin naman ako sa Antipolo tuwing day-off ko. Doon nakakapagrelax ako at kahit paano ay nalalayo sa stress. Lumipat din ako para hindi ako mahirapan sa pagbyahe at hindi ma-late. Ayoko din masayang ang oras ko sa byahe dahil madalas isa hanggang dalawang oras din ang nagugugol na oras sa byahe. Ngayong malapit na ang inuuwian ko ay maraming oras na ako para magawa ang gusto ko kagaya ng pagbabasa at pagsusulat. Hindi rin maganda na puro trabaho lang at doon na lang umiikot ang buhay mo. Ito ang iniiwasan ko kaya hindi mawawala sa akin ang reading habit dahil ito stress reliever ko. Nasa proseso ako ngayon na gawing daily habit din ang pagsusulat.

Minsan sa buhay nawawalan na ako ng pag-asa kung may maganda ba akong hinaharap. Kung worth it ba lahat ng ginagawa ko. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magiging successful din ako. Successful hindi lang financially pero yung tipong pagtanda ko ay magiging proud ako sa sarili ko na masasabi kong "At last I do something in my life"

Naniniwala ako na dapat hindi ko pinoproblema ang past at future. Dapat maging pokus ko ang present. Kung anong nangyayari ngayon. May choice ako sa gagawin ko ngayon. Hindi ko kontrolado ang future at hindi ko na mababago ang past. Importante ang present. Ngayon ang tamang oras para magdesisyon.

What's UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon