Somewhere in Makati
September 2022
What's up everybody!
Ikukuwento ko naman ngayon ang mga likes, interests and hobbies ko.
I see myself as an introvert kaya hindi ko hilig gumala, gumimik at sumama kung saan-saan. Pero dahil sa girlfriend ko ay unti-unti na akong lumalabas ng lungga ko. Dahil sa kanya nakapagbakasyon ako sa Zambales, sa Bohol, iba't-ibang lugar sa Maynila at nakainan din namin ang iba't-ibang restaurant. Maganda talaga to have a partner in life dahil mararanasan at magagawa mo ang mga bagay na hindi mo ginagawa noon, at magkakaroon ka ng inspirasyon at dahilan to pursue other things, to be better.
Mahilig ako magbasa. Ito ang pantanggal stress ko at tagalimot ng problema ko. Naranasan ninyo na siguro na tuwing nagbabasa kayo ay napupunta kayo sa ibang mundo, at kahit sa kaunting sandali ay nalilimutan ninyo ang mga problema. Ito ang mga rason kaya gustong-gusto magbasa. May mga stress reliever ang bawat tao at ang pagbabasa ang akin.
Bata pa lang ako ay mahilig na ako magbasa. Six years old pa lang yata nagbabasa na ako. Mga fairy tales at mga alamat ang mga nauna kong nabasang kuwento. Noong high school naman ay nahilig ako sa mga Filipino, Asian at World Literature. Hindi bumibili ng mga libro noon ang tatay ko at ayaw niyang bilhan kami ng mga sikat na libro noon kagaya ng Harry Potter dahil nakakasagabal daw ito sa aming pag-aaral. Pero mahilig magbasa ang tatay ko lalo na noong kabataan niya. Tuwing linggo naman ay bumibili siya ng diyaryo. Philippine Inquirer at Philippine Star ang hilig niyang bilhin noon. Dahil sa mga diyaryo nahilig ako magbasa ng iba't-ibang content at editorials. Isa din nagustuhan ko doon ay ang Sunday comics section. Nabasa ko dito ang mga comic strips na: Calvin and Hobbes, The Phantom, Spider-Man, Hagar the Horrible, Peanuts at iba pa. Nahilig ako noong mga oras na iyon sa comics at pinangako ko sa sarili ko na kapag may trabaho na ako ay bibili ako nga madaming comics.
Nabago ang reading journey ko noong pagtunton ko ng college. Noong panahong ito ay nahilig na ang tatay ko na bumili ng mga fiction books sa mga Books Sale branch. Mystery-thriller ang hilig niyang genre at ang unang libro na binili niya ay ang Da Vinci Code. Ito ang unang mahabang nobela na natapos kong basahin. Nakakagulat pa ay limang araw ko lang ito binasa. Namangha at naging fan agad ako ni Dan Brown dahil fast-pace at hard-to-put-down ang mga sinulat niyang nobela. Simula doon ay sunod-sunod na ang mga nabasa kong libro. Binibili ng tatay ko ang mga sinulat nila: Steve Berry, Clive Cussler, James Rollins, Brad Thor, Anthony Horowitz. Dahil sa tatay ko nahilig ako sa Mystery-Thriller genre.
Ang first love ko talaga ay ang Fantasy at Scifi. Kaya noong nagkatrabaho na ako ay binili ko agad ang The Lord of the Rings. Yung complete edition ang binili kung saan magkakasama na isang libro ang buong trilogy. Hindi ko iyon natapos basahin noong panahong iyon dahil classic ang writing style at pakiramdam ko hindi ito nababagay sa akin at hindi pa ako handa para basahin ang masterpiece na ito. Kaya binasa ko muna ang Inheritance Cycle ni Christopher Paolini at Sword of Truth series ni Terry Goodkind. Natapos ko din basahin ang Chronicles of Narnia ni CS Lewis at ang Lorien Legacies ni Pitacus Lore. Lahat ng mga ito nagustuhan ko at ngayong may trabaho na ako ay sari-saring mga libro na ang nabili ko. Sa sobrang dami parang gusto ko na magtayo ng library. Ngayong taon lang ay binili ko ang buong First Law Trilogy ni Joe Abercrombie kung saan nabasa ko na ang unang libro. Sinisimulan ko din basahin ang Stormlight Archive ni Brandon Sanderson na talaga namang ibang level na sa Fantasy genre at truly recommended ko sa lahat ng Fantasy fans. Last year naman ay natapos ko nang basahin ang buong Lord of the Rings. Handa na ako basahin ito at alam ko na ang dahilan kung bakit ito ang masasabing 'Bible' ng Fantasy. Halos lahat ng tropes ng nasabing genre ay dito mo makikita kaya maganda talagang maging inspiration ito.
Ngayong may trabaho na ako ay hindi ko naman nakalimutan ang pangako ko sa aking sarili na bibili ng comics. Since 2016 ay madami na akong nabiling comics mostly gawa ng DC comics. Mga kuwento ni Superman at Batman ang mga hilig ko. Aspiring comic book writer and artist din kasi ako kaya hilig ko talaga ito. Binabalak ko ngang magbukas ng blog site para ma-ishare ko ang aking mga reviews at kung ano ang mga paborito kong comics. I find reading comics to be inspiring at nakikita ko dito ang pag-mix ng iba't-ibang genre. Plus point na din ang magandang art.
Favorite ko na ngayong tambayan ang Fullybooked sa BGC. Palagi akong pumupunta dito para tumingin ng mga libro. Kakaiba din ang atmosphere. Nakakawala ang stress habang pinapaligiran ng mga libro. Kaya kahit hindi ako bumili ay masaya na ako makita lang ang mga cover ng libro at maamoy ang mga pahina. Parang adik lang ako in a good way naman. Iba talaga ang impact ng pagbabasa para sa akin.
Pagsusulat naman ang isang skill na gusto kong maimprove at pinagtutuunan ko ng pansin ngayon. Ang Wattpad ang isang platform na grateful ako dahil naibabahagi ko dito ang mga stories ko kagaya na lang nitong sinusulat ko. Ilang taon na din akong may writer's block pero sinosolusyunan ko ito by writing a journal everyday. Oo may sinusulat ko sa isang notebook ang mga nangyari and thoughts ko everyday. Isa sa mga tips kasi na natutunan ko para maging magaling na writer at madevelop ang writing habit ay ang pagsusulat araw-araw. Minsan hindi ko ito nagagawa dahil sa pagod at hindi ako motivated pero hindi ako sumusuko na gawin ito. Ito ang passion ko kaya bakit naman ako susuko. Kung may isa kang gusto dapat gawin mo ang lahat para makuha mo ito.
Kagaya nga ibang writers ay pangarap ko din ma-publish ang aking mga akda at marecognize. Alam ko na sarili ko lang ang makakatulong sa akin para mahasa ang skill na ito. Just keep writing, pray and believe.
![](https://img.wattpad.com/cover/210207870-288-k597863.jpg)