#9 Married

1 0 0
                                    


Somewhere in Pasig

December 2023

What's up everybody!

Yes as the title implies kasal na ako. Noong November lang naganap ang aming kasal. Matapos ang five years ng aming pagiging magkasintahan ay napagpasyahan na naming magsama, forever. Alam ko naman na ito ang ultimate goal ng halos lahat na magkasintahan. Pero aware din naman ako sa tanong ng iba: mahalaga pa ba ang pagpapakasal?

Obvious naman siguro ang sagot ko dyan. As a married man masasabi kong importante ang kasal. Una religiously speaking may basbas ni God ang pagsasama namin. Siya ang witness ng aming pagsasama. Sacred ito at blessed. Nangako kami sa isat-isa na magmamahalan ng habambuhayat meron itong basbas ng Panginoon kaya mahirap itong sirain. Pangalawa, may commitment ka sa babae kapag kasal na kayo. Bilang lalaki layunin ko na buhayin ang pamilya namin. Magtatrabaho ako ng mabuti para mataguyod ang aming pamumuhay. Kung mahal ko talaga ang isang babae ay gagawin ko ang lahat hindi lang para sa kanya kung hindi para sa aming dalawa. Hindi ka na dapat maging selfish dahil ngayong kasal na kami ay kaming dalawa na ang dapat kong isipin. Bawat desisyon ko ay dapat isipin ko din kung ano ang magiging epekto nito sa kanya.

Kaya ayoko din ng divorce dahil isa itong tool para magkahiwalay agad ang mag-asawa. Imbes na ayusin ang kanilang problema ay magdi-divorce na agad. Ginagawa kasi nilang walang kwenta ang kasal. Magpapakasal sila tapos kung nagsawa o hindi nila gusto ang ugali ng asawa nila ay maghihiwalay na agad. Bago sana sila nagpakasal ay kinilala muna nila ang mapapangasawa nila. Gawin din nilang si God ang center ng kanilang relationship para anumang problema ang kanilang haharapin ay kaya nila itong ayusin na magkasama. Gusto ko na manatiling sagrado ang kasal para sa dalawang taong nagmamahalan.

Ngayong kasal na kami ay naninirahan muna kamidito sa isang maliit na apartment. Dito muna kami pansamantala habang nag-iiponat pinaplano ang aming hinaharap. Pareho naman kaming may trabaho kaya alamkong hindi magiging problema ang pera. Alam ko din na hindi sapat ang amingsahod kapag nagkaanak na kami kaya pinag-iisipan naming mag-abroad para sa masmalaking sahod. Pero as of now, slowly but surely ay binubuo na namin ang amingfuture. Ganun namin sa married life, we think as one and we love as one.

What's UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon