Somewhere in Makati
September 2022
What's up everybody!
Noong bata ako mahilig akong magbasa ng diyaryo. Kahit na mahirap hawakan iyon dahil sa malalaking papel ay nag-eenjoy akong basahin ang iba't-ibang nilalaman nito. Mula news hanggang sa obituaries ay may mga sari-saring kwento akong nababasa. Kahit ang amoy ng newsprint ay hindi ko makakalimutan, very nostalgic na parte na ng kabataan mo.
Early 2000's every Sunday may dalang diyaryo si Daddy. Mga diyaryong kagaya ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star. Mahilig kasi siya sa mga balita at current events na minana ko. Tuwing linggo lang siya bumibili dahil maraming laman ang diyaryo sa araw na iyon. Meron ding kasamang Sunday comics na talaga namang sinusubaybayan ko. Maliban sa comics ang isa sa sinusubaybayan ko ay ang entertainment section. Wala pa kaming internet noong panahon na iyon kaya ang source lang namin ng news ay sa TV at sa diyaryo. Doon sa entertainment section ng diyaryo lang namin nalalaman kung ano ang mga movie na malapit na ipalabas. Ngayon, plano pa lang gawin ang movie ay fully informed na ako. Noon, diyaryo lang at TV ang source namin. Kahit mga trailers ay bihira namin mapanood kaya kapag pinanood namin sa sinehan ang movie ay grabe ang experience dahil wala kaming alam kung ano ang mangyayari, sa madaling salita mahina pa ang spoilers noon. Ngayon, sa trailer pa lang malalaman mo na ang story ng movie at sa mga social media platforms naman ay madalas may nagkakalat pa ng spoiler.
Doon din sa entertainement section ay nababasa ko ang mga exclusive interview sa mga artista. Ngayon, palagi na tayong informed sa mga pinagkakaabalahan nila araw-araw. Masyado na tayong informed sa buhay nila. For me, hindi ito maganda at parang humihina ang star power nila. Oo nalalaman natin na kagaya lang natin sila pero nawawala yung surprise at excitement kapag nakita na natin sila sa personal dahil nakikita naman natin sila araw-araw sa social media. What I meant is that masasawa tayo sa kanila kapag lagi natin sila nakikita. Ewan ko iyon ang ang narararamdaman ko at opinyon ko kaya hindi ko gusto na madami nang vloggers na artista ngayon. Wala na yung star power nila kapag masyado nang overexposed.
Isa din sa paborito ko ay yung sport section. Iyon din ang source of information ko pagdatin sa sports. Wala kaming cable sa bahay noon kaya hindi ako nakakapanood ng mga regular games ng NBA kapag playoffs lang at Finals ako nakakapanood palagi pang delayed telecast. Doon ko nalalaman kung sino ang na-trade, nangunguna sa MVP candidate, standings at kung ano-ano pa. Ginugupit ko din ang pictures ng mga basketball players at dinidikit ko sa scrapbook ko ng sports. Sa ganung libangan lang ay masaya na ako. Simple lang talaga ang buhay noon.
Sa 'Lifestyle' section naman ay parang nagbabasa ako ng blog. Iba't-ibang information ang nakukuha ko doon. Nababasa ko ang mga point of view ng mga writers, travel destinations, current events at mga bagong labas na libro.
Siyempre ang Sunday comics ang laging kong inaabangan. Wala kasi akong pambili ng comics noong panahon na iyon at ayaw naman ako ibili ng mga magulang ko dahil distraction lang daw yun sa pag-aaral. Kaya sa diyaryo nakukuntento na ako. Kahil ilang panel lang ang bawat story ay masaya pa rin ako. Kahit na bitin at hihintayin mo pa ang susunod na linggo para sa katuloy ay worth it naman talaga. Ginugupit ko din ang panel ng comics weekly at dinidikit ko ito hanggang sa makabuo na ako ng isang comic book. Di ba napakasimple at interesting ng buhay noon. Ngayon basta may pera ka mabibili mo na ang gusto mo. Instantly. No effort.
Noong nakaraang linggo lang ay naisip kong bumili ng diyaryo. Nadaanan ko ang isang news stand at dinampot ko ang Philippine star. Twenty pesos pa rin ang halaga. Sakto din na linggo ibig sabihin may Sunday comics. Pag-abot sa akin ng diyaryo ay nalungkot ako dahil ang nipis nito. Tiningnan ko ang date na nakalagay baka kasi lumang diyaryo ang naabot sa akin (ang mga diyaryo na nilalabas from Monday to Friday any talagang manipis, tuwing Sunday lang ito madaming laman). Tama naman ang nabigay. Pagkauwi ko sa apartment ko lang binuklat ang diyaryo na may twenty four pages lang. "Anong nangyari?" iyon agad ang nasabi ko dahil noon umaabot ng 100-150 pages ang isang diyaryo kapag araw ng linggo. Hindi ko alam na ganito na pala ang katayuan ng reading medium na binabasa at sinusubaybayan ko noon. Wala na din ang Sunday comics. Umunti na rin ang mga contributors. Wala na din ang mga paborito kong writers noon.
Sa pag-advance ng technology ay naapektuhan na ang printing. Wala na din nagbabasa ng diyaryo. Napapansin ko na puro matatanda na lang ang bumibili. Lahat kasi ng information ay mababasa mo na sa social media. Instantly. No effort.