Akmang lalabas na ako ng classroom nang biglang hilahin ni Luke ang bag na isasabit ko pa sana sa balikat ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"Tsk! Ano ba!" inis na sigaw ko sa kaniya.
Ngumiti siya at hindi man lang natinag sa pandidilat at paninigaw ko.
"Sabi ko naman sa'yo 'diba? Na simula ngayon ay ako na ang magdadala ng bag mo kapag uwian." Sabi niya habang nakangiti.
"Get lost! Bakit pumayag ba ako na magpaligaw sa'yo? Hindi kita type at hinding hinding kita magiging type kaya umalis ka na sa harapan ko bago pa mag-init ng husto ang ulo ko!" Sigaw ko sa kaniya.
Kita ko ang pagkapahiya sa buong mukha niya. May nagbubulungan sa paligid at panay naman ang lingon ko at pandidilat sa sino man na naririnig ko na may sinasabi.
"Haha ang harsh mo naman Kyana gusto lang naman kitang tulungan" Nakayukong sambit niya.
"Bakit hiniling ko ba? Hindi 'diba?" galit king sabi at inirapan siya.
Nakita ko sina Jesille at Raya na naghihintay na pala sa'kin sa labas.
Natagalan kasi ako dahil kinausap pa ako ni Miss Agua. Hindi na bago sa'kin ang ganito.
She told me na ako na naman ang nangunguna out of 20 sections from different Strands. (STEM, HUMSS, ABM, GAS, ICT, TVL, ARTS AND DESIGN at saka SPORTS) Kapag nagpatuloy ang malalaking marka ko ay baka ako ang grumaduate na Valedictorian kapag sumapit ang graduation sa Senior High School.
"Ang tagal mo naman yata, Dali na baka magsara na ang Salon" Sambit ni Raya.
"Boba! 24/7 ang Salon sa bayan" Sagot ni Jesille sabay irap.
"Sorry I forgot hehehe" Napapahiyang sagot ni Raya.
"Tama na 'yan. Let's go" Nakangiting sabi ko at nagpauna sa kanila.
Ngunit akmang sasakay na sana ako sa sasakyan nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Luke.
Napapikit ako sa inis.
"Bakit na naman ba?!" galit na sigaw ko.
Kita kong nagulat siya pero agad din na nakarecover at ngumiti nang pagkalaki-laki sa'kin.
"Saan ka pupunta?" malumanay na tanong niya.
"Paki mo ba? Bakit kailangan kong sabihin sa'yo?" inis na sagot ko.
"Dahil gusto ko. You need to tell me where you go Kyana" Nakangiti ngunit seryosong sagot niya.
"At bakit naman? Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan aber? Sino ka ba?" Galit na sigaw ko.
"Ako? Ako si Luke Martin Hveightton" proud na proud na sagot niya.
"I don't care! Mawala ka na!" Galit na sigaw ko at padabog na sumakay sa loob ng kotse.
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit bad mood parin ako.
Nakakainis ang lalaking iyon.
Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya.
Nang makalabas ako mula sa kotse ay otomatikong tumibok ang puso ko ng pagkabilis bilis nang matanaw ko si Jed kasama ang Mommy at kapatid niya papasok sa Salon.
Nakaakbay siya sa kapatid niya habang nakahawak naman sa braso niya ang napakaganda niyang Mommy.
He's such a loving and gentleman son.
Sinamahan niya pa talaga ang Mommy at kapatid niya dito.
"Uy!" Gulat akong napabaling kay Raya na nakangisi pati narin si Jesille.
BINABASA MO ANG
His Heart Abandoned Me (COMPLETED)
Teen Fiction[ UNEDITED VERSION ] He always stands by my side, and I feel safe when he is there. All I want to do is lay down and go to sleep because his smiles make me feel better and his voice is like music to my ears. I can't run away from him because his eye...