SPECIAL CHAPTER (LUKE)

17 0 0
                                    

Ano nga ba ang tipo ko sa isang babae?

Palaging tinatanong ni Dad ngunit wala akong nagugustuhan sa school namin. Consistent honor student ako at ang paborito kong subjects ay Math at Science. Palagi kong tinatatak sa isipan ko na kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa babaeng ganda lang ang ang ambag sa mundo at walang talino.
The moment I graduated from my former school, I transferred to Saint Miguel Arkanghel's Senior High School. Sa una ay nanibago ako sa paligid.

Lahat yata ng tao ay studios. Masyado silang seryoso sa kanilang pag-aaral.

I took up, Science, Technology, Engineering and Mathematics strand because I am planning to take BS Chemistry in my College. Upon walking, I saw a girl that my make heart thumped a beat.

Binibigyan niya ng pagkain ang mga street kids. Masayang-masaya ang mga bata habang siya naman ay malaking malaki ang ngiti.

Sinuyod ko ang kabuuan niya.

Matangkad, Maputi, Chinita, mahaba ang buhok, mukhang Koreana, at...

Ang Ganda niya!

Nang mapatingin siya sa direksyon ko ay hindi ko maiwasang kabahan, mas maganda pala siya kapag nakaharap.

Ngunit naputol ang pagpapantasya ko sa kaniya ng taasan niya ako ng kilay. Kinabahan ako baka ay minasama niya ang pagtingin ko.

"What are you looking at?" Masungit niyang tanong.

"Huh? Wala!" tanggi ko pa.

Kumunot ang noo niya at pinagkrus ang dalawang braso.

"Are you planning something? Ano? Rapist ka ba? O budol budol Gang?" Aniya sa nakakainsultong tono.

Pinasadahan ko nang tingin ang hitsura ko.

Mukha ba akong rapist at scammer?

"Ano? Sagot!" Mataray niyang sabi.

Ang maldita naman neto!

"Hindi nga Miss, sa gwapo kong 'to, pag-iisipan ko ako ng mga ganiyang bagay?" Sabi ko pa.

"Hindi naman ako naga-gwapohan sa'yo!" Sabi niya sabay irap.

Nagtawanan naman ang mga Street kids. Kasalukuyan silang kumakain ng hambuger na may kapartner na Chuckie, tig dalawa sila.

"Ate gwapo naman po siya" Sabat ng isang batang babae.

Lumapit naman ako kaya lalong nainis ang babae.

"Oo nga po Ate, Yna" Pagsang-ayon naman ng isa.

Umirap lang ang babae at saka sinabing...

"Hindi siya gwapo okay? At saka, presko siya at mayabang, diba?" Aniya.

At talagang sinang-ayonan naman ng mga bata. Kay balimbing ba ng mga ito.

Tahimik na ang lahat sa sumunod na mga minuto at nagpaalam na ang babae sa kanila. Tinanaw ko siya habang tinatahak niya ang daan palabas sa eskinita kung nasaan kami. Kumakaway pa ang mga bata sa kaniya habang nakangiti at kumaway din siya pabalik.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang ngimiti siya pabalik sa mga bata.

Ang ganda niya...

At dahil curious ako sa pangalan ng babae ay tinatanong ko ang mga bata.

"Anong pangalan nong babaeng nagbigay sa inyo ng snacks?" Tanong ko sa kanila.

"Bakit niyo naman naitanong? Ano? May gusto kayo sa kaniya ano?"

"Wala! Nagtatanong lang eh" Sagot ko naman.

"Siya si Ate Yna namin. Tuwing Biyernes ay dinadalhan niya kami ng pagkain" Nakangiting sabi ng batang bungi ang harapang ipin.

"Talaga? Eh ang apelyido? Alam niyo?" Tanong ko ulit.

"Hindi eh, bsta Yna lang talaga ang alam naming pangalan niya" Sagot nila.

Ngunit hindi ko inaasahan na sa school pala na nilipatan ko ay doon din siya nag-aaral at magkaklase pa kami.

Doon ko nalaman ang pangalan niya.

"Kyana Louisse". ang tawag ng mga mga teachers sa kaniya.


His Heart Abandoned Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon