Umiiyak ako sa gitna ng ulan. Kasabay ng ihip ng malakas at malamig nitong hangin ang ang puso kong hindi na maawat ang pananalangin.
Na sana ay panaginip lang ang lahat.
Na sana ay maibabalik ko ang nakaraan.
Napayuko ako at panay ang paghikbi hanggang sa hindi ko na maramdaman ang tubig ulan na kanina lang ay hinuhugasan ang aking mga pisnging luhaan.
"Yna, what do think you're doing? Baka magkasakit ka! Umuwi ka na." mahinahon ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon ngunit pinainit no'n ang sulok ng aking mga mata at parang may kung anong humaplos sa'king dibdib.
May hawak siyang payong na parehong nakasilong sa'min.
"L-Luke...You're here" ramdam ko ang pagkislap ng aking mga mata nang masilayan ang napakagwapo niyang mukha.
Ngunit muli kong naramdaman ang kirot nang mapansing wala itong ka emo-emosyon na animo'y nakatitig lamang sa isang walang kwentang bagay.
"I'll take you home Yna...Hindi makakabuti sa'yo na magpa-ulan lalo na't sakitin ka" ani niya at initayo ako.
Napangiti ako at kasabay ng mga matatamis na mga ngiting iyon ay ang mga luha ko.
He still cares for me...
But calling me by my nickname brought a huge impact to me eventhough hindi sana kailangang i big deal.
Nang makapasok ako sa loob ng kaniyang kotse ay agad niyang pinatay ang airconditioner at inabot sa'kin ang kaniyang jacket.
Limang minuto ang lumipas ng walang nagsasalita sa'min. Akmang sisimulan ko na sana ang usapan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Hmm? Yes? I'm on my way home". aniya habang nakangiti at agad na ibinaba ang cellphone.
Nag-iwas ako nang tingin at napatingin na lamang sa labas.
Muling naglandas ang aking mga luha.
Sobrang sakit parin.
Ilang taon na ang nakakalipas at heto ako't parang pinapatay sa sakit.
"Stop crying. Tumahan ka na para kung ano pa ang sabihin ni Jed. Awayin pa ako at pagbintangan na pinaiyak kita" aniya sa malamig na tono.
Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nasasaktan Luke, Sino pa nga ba?
"L-Luke" lumunok ako bago sabihin iyon.
"Hmm?" walang gana niyang tugon.
Mapait akong napangiti.
Hindi siya ganyan eh kapag tinatawag ko siya.
Ibang-iba na talaga.
"I want to clear things" pilit kong inaayos ang pagbigkas ng mga salita upang hindi ako pumiyok.
"About what? Kung ang ibig sabihin mo ay 'yong tungkol sa'tin ay gusto kong kalimutan mo na, We are both—" hindi ko na siya pinatapos.
"I'm not happy" ani ko habang nanunubig na ang mga mata.
Ramdam ko ang tingin niya sa'kin.
Nagulat siya nang maglandas muli ang mga luha ko.
"Jed and I? We're not in a relationship Luke if that's what you think" Ani ko at pilit pinapakalma ang sarili.
"W-What do you mean?" Nagtataka niyang tanong.
"No romantic feelings involve". Sagot ko at tumingin sa kaniya.
"That's impossible. I saw you two living in the same roof" Sagot niya na parang nanghihinalang napatingin sa'kin.
Umiling ako.
BINABASA MO ANG
His Heart Abandoned Me (COMPLETED)
Teen Fiction[ UNEDITED VERSION ] He always stands by my side, and I feel safe when he is there. All I want to do is lay down and go to sleep because his smiles make me feel better and his voice is like music to my ears. I can't run away from him because his eye...