CHAPTER 6

13 3 1
                                    

Dumating na ang araw ng quiz bowl. Maraming mga estudyante sa iba't-ibang school dahil sa school namin ginanap ang contest. Nakaupo ako sa harapanan. Kinawayan ko ang mga schoolmates ko at naghiyawan sila.

"Go Yna!" Sabay-sabay nilang sabi.

Nakita ko si Luke na nakaupo sa pinakadulong bench. Kasama niya si Mina.

Bakit ba palagi silang magkasama?

Kumaway si Luke sa'kin at nginitian ako, irap naman ang isinagot ko.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa'kin si Jed.

"Goodluck Kyana, I know yoh can do it! Bring home the beacon love!" Aniya.

Naghiyawan naman ang mga nakarinig. Manging si Mina ay nakangiti maliban lang kay Luke na seryoso ang mukha habang nakating sa'min ni Jed.

"Magsisimula na tayo, so Contestants prepare your cardboards and chalks." Malakas na anunsyo ng emcee.

Sa Unang Round out of fifteen schools ay sampu nalang ang natira.

Sa second round naging pito nalang.

Sa third round ay naging tatlo nalang.

Halos magkapareho kami ng score na tatlo.

Bago kami nag proceed sa next round ay binigyan muna kami ng break.

"Hi, I'm Isabel. You're so attractive" Nakangiti pagpapakilala ng babaeng may maikling buhok.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Napahiya pa siya dahil may natawa sa ginawa ko.

Serves her right.

"Miss Yna. It's an honor na makita ka sa personal. Actually ngayong taon lang ako napili ng school namin para mag represent. Sabi ng mga representative namin noon ay umaabot ka daw ng National Level dahil sa talino mo. Pwede ba tayong maging magkaibigan? Ako pala si Rhian" Pagpapakilala naman ng babaeng nakasalamin, isa siya sa dalawang makakalaban ko for the final round.

"I don't care okay? Umalis ka nga! Hindi ako mahilig makipagkaibigan" Napayuko siya.

Wala ako sa mood makipagplastikan.

"10 minutes break is done. Contestants go back to your seats" Anunsyo ng Emcee.

Nagsimula na ang final round.

May tatlong questions. Nagkamali si Isabel sa unang question habang kami naman ni Rhian at tie sa 1 point.

Sa panglawang question, wrong na naman si Isabel kaya siya na ang automatic na 3rd place.

Sa huling tanong hindi agad ako nakasagot.

"Which of the following combinations cannot produce a buffer solution?"

"Is it A. HCN and NaCN"

"Or is it letter B. HClO4 and NaClO4"

Bigla akong napatingin kay Luke. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa nakikita ko.

Munti ng mahulog si Mina kaya lang nasalo siya ni Luke. Namula si Mina at halang kinikilig. Hind ako nakapg concentrate at wala akong naisulat na sagot.

Sa huli ako ang tinanghal na Second Place habang si Rhian naman ang nag Champion.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiinis sa ideyang hindi ako ang nanalo kundi naiinis ako sa ideyang hindi mawala sa isipan ko ang scene ng dalawa.

"What happened Kyana? Galing sa school natin ang question na iyon, Bakit hindi ka nakasagot?" Inis na sabi ni Maam.

"I lost my concentration" Sagot ko habang masamang nakatingin kay Luke at Mina na papalapit na sa'min.

"Congrats Yna!" bati ni Mina sa'kin pero inirapan ko lang siya.

"Kyana? What's supposed to be the correct answer?" Tanong ni Maam.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko naman talaga alam.

"HClO4 and NaClO4 is the combination which cannot produce a buffer solution" Sagot ni Luke.

Napatingin si Maam kay Luke at napatango.

"That's the correct answer Kyana" Sabi ni Maam at iniwan na akong nakatayo.

Disappointed siya.

"Kyana, kumain ka muna baka—" hindi na natapos ni Luke ang dapat na sasabihin niya dahil dinuro ko siya.

"How dare you na ipahiya ako? You're bragging you intelligence Luke para sabihin ni Maam na sana'y ikaw ang ginawang representative huh?" Galit na sigaw ko.

"Kyana, wala akong ginagawang masama. I just answered her question" Sagot ni Luke.

"Tama si Luke, Yna" sagot ni Mina.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Did I tell you to talk? Get out of my sight!" Sigaw ko.

"Tama na Kyana, halika na kumain ka na" Hinawakan niya ang braso ko pero itinulak ko siya.

"Magsama kayong mga malalandi!" Galit kong sabi at tinalikuran sila.






Dalawang buwan nalang at i-popost na naman ang mga Academic Champions for Second Sem.

Habang babad ako sa pag-aaral sa library ay dumating si Luke. Iniiwasan ko siya sa kadahilanang naiinis ako dahil nakakalamang siya sa'kin sa lahat ng bagay at siyempre, ang scene nila ni Mina kahapon.

Pumunta ako sa mga bookshelves at naghanap pa ng mga libro ngunit ng haharap na sana ako ay ang dibdib niya ang sumalubong sa'kin.

Kami lang dalawang ang nasa library, naglulunch pa ang librarian at mga students. Dahil mag early lunch ako ay dito na ako dumiretso.

Sinamaan ko siya nang tingin habang siya ay ngiti-ngiti.

"Kyana please do allow me to court you please" Aniya sa malambing na boses.

"What?" Gulat na sigaw ko kaya naman tinakpan niya ang bibig ko.

"Nandito ang librarian" Saway niya sa mahinang boses.

"Liar, naglunch siya" Sagot ko.

"Palalabasin ko kaya kapag nag-ingay pa kayo diyan" Malakas na sigaw ng librarian.

"See?" Tawa pa ni Luke.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong.

"Wala lang, hindi kasi ako mapakali kapag hindi kita nakikita" nakangiti sabi niya.

"Don't fool me Luke, I know you and Mina have something" Sabi ko pa't itinulak siya.

"Friendly lang talaga si Mina pero wala akong gusto sa kaniya. Saka mas madali kaya siyang lapitan kaysa sa iyong mukhang dragon" Natatawang sabi niya.

"I fucking hate you!" Sabi ko at tinalikuran siya.

"Kyana pag-isipan mo 'yong sinabi ko ah?" Sabi niya pero nag dirty finger lang ako sa kaniya.

"Gustong-gusto kita Kyana" Malakas na sabi niya.

Kahit nakatalikod ay hindi ko mapigilang mapangiti.

What?

Tinakpan ko nalang ng libro ang mukha mukha ko.

Jerk!

"Kyana ah?" Ulit niya pa.

"Isa nalang talaga, kakaladkarin ko kayong mga nag-iingat diyan palabas!" Galit na sabi bg Librarian.

Palihim akong natawa.

Biglang nawala ang bigat na nararamdaman ko nang malamang wala siyang gusto kay Mina.

Natigilan din ako mayamaya sa napagtanto.

Ano naman kung magkagustuhan sila? Why do you have to care Kyana?

His Heart Abandoned Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon