Ngayong araw ang nakatakdang quiz namin sa General Biology. Napagkasunduan namin ni Luke na...
Sa test paper niya isusulat niya ang pangalan ko at sa akin naman ay pangalan niya. Sinadya kong hindi mag-aral para bumaba ang score niya.
"Ang galing mo sa Bio, Pretty Babe! Sure ako na perfect ako niyan. Okay lang ba talaga sa'yo ang set up na'to?" Medyo nag-aalinlangan na sabi niya.
"Oo naman at saka gusto kitang tulungan na tumaas ang grades mo sa sub na'to. Sabi ko na mahina ka sa Bio, kaya ko naisipan 'to" Nakangiting sabi ko.
Nakatitig lang siya sa'kin at bigla niya nalang akong niyakap.
"Salamat" Bulong niya.
Nang magsimula ang quiz ay basta ko nalang binilugan ang mga kung anong makita ko.
At ang nag checking.
"Hveightton?" Tawag ng teacher kay Luke.
"12 po" Sagot ni Luke habang nakayuko.
Umingay ang classroom namin dahil hindi sila makapaniwala na out of 50 ay 12 lang ang naging score ng Top 1.
Nang tawagin ang pangalan ko.
"Ollegas?"
"45 Maam" proud na sabi ko.
Nakatingin lang sa'kin si Luke, Ngunit ngumiti siya kalaonan.
Hindi niya kinuwestiyon ang ginawa ko. Tumayo siya at kinuha ang bag ko.
"Canteen tayo?" Nakangiting sabi niya.
Tumango ako.
Nasundan ang ganoon.
Sa MIL na sub namin ay pinagawa kami ng poster. Nang sumapit ang oras ng vacant ay hindi ako sumama kay Luke.
Plano kong pagtrippan ang ginawa niyang poster.
Kumuha ako ng iilang sign pens at nilagyan ng kung ano-ano pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa room nila ni Jed, doon kami nagkwentuhan ay ng oras na ng klase ay dali-dali akong bumalik.
Pasipol-sipol ako habang kunwari hindi nakita si Luke na na mo-mroblemang nakatingin sa poster niya.
Nang makita niya ako ay ngumiti siya.
"Kanina ka pa?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Halaaaaa nasira ang CCTV!" Sigaw ni Berna, kaklase namin.
Buti nalang nasira dahil kung hindi mahuhuli talagang ako ang may kagagawan sa pagsusulat ng kung ano-ano sa poster ni Luke.
"Nabasag talaga oh" dagdag ni Berna. Sumunod naman ang mga kaklase ko.
Nang pasahan na ay taas-noo kong ipinasa ang akin na gawa ni Luke. Ang totoo ay nagpa-drawing ako sa kaniya dahil sabi ko ay hindi ko nagawa dahil masama ang pakiramdam ko.
Sa mga nagdaang araw at buwan ay hinihila ko pababa si Luke ngunit kataka-takang hindi niya iyon napapansin.
Matalino siya 'diba? o talagang nabububo siya pagdating sa'kin?
Araw ng Sabado, napagkasunduan namin ni Jed na magdate. Ngunit kamalas-malasang nakita pa namin si Luke.
Ngumiti lang si Luke sa'kin at tinanong kung sino ang kasama ko. Sinabi ko nalang na ako lang mag-isa at uuwi na rin. Nagpumilit siya na ihatid ako ngunit hindi ako pumayag.
It was June when Jed told me na dadalaw siya sa Lola niya na may sakit na nasa California. Natuon ang atensyon ko kay Luke that time.
Palagi niya akong sinusundo.
Siya rin ang nagse-set ng mga dates para sa mga events nadadalohan ko.
Even the day of my period, siya ang nagse-set.
Napansin kong doble ang effort niya.
Nang makabalik si Jed galing California ay parang nag-iba siya.
That night, I confronted him and he confessed to me that Ate Margau and him are together again.
Hinalikan ko siya sa labi. Hindi ko akalain na makikita iyon ni Luke.
Akala ko ay magseselos siya, magtatampo o makikipag break but he still managed to smile at me and his words made my guilt grow even deeper.
"Hi Pretty Babe, Anong ginagawa niyo? Promise hindi ko nakita, nakapikit kasi ako hahaha" Aniya habang nakangiti.
Hindi ako nakasagot, I remained standing while staring at him.
"Magpinsan kami ni Jed. Ang mga Lolo's namin ay magkapatid. Invited ka rin pala dito?" Nakangiting sabi niya.
It was Tita Eva's bday, Jed's Mom.
"Ah oo" Nahihiyang sabi ko.
Tumango lang siya.
"Bakit ang putla mo?" Nag-aalalang sabi niya.
"Dysmenorrhea lang" Sagot ko at naupo.
"Huh? May mens ka na? 'diba tuwing 12 ang period mo, 2 palang tayo ngayon" Aniya habang nag-aalalang nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Ang totoo ay hindi masakit ang puson ko.
Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang tinatawag niya ang waiter.
"Huwag mo siyang bigyan ng hipon or any sea foods, Allergic siya no'n" Aniya.
Tumango ang waiter.
Inayos niya ang table napkin. Ang malapusa niyang mga mata ay nakatuon sa ginagawa. Pinagmasdan niya ang sapin sa mesa at napasentido nang mapansing medyo tagilid iyon.
Pati ang upuan niya ay inayos niya. Pagkatapos ay sa'kin siya tumingin. Inayos niya ang mga gamit sa mesa at ngumiti sa'kin.
Nang dumating ang pagkain ay kumain na kami, ngunit sa mga oras na iyon ay hindi ko mapigilang hindi ma curious sa iniisip niya ngayon.
Nakita niya kaya? O hindi talaga?
BINABASA MO ANG
His Heart Abandoned Me (COMPLETED)
Teen Fiction[ UNEDITED VERSION ] He always stands by my side, and I feel safe when he is there. All I want to do is lay down and go to sleep because his smiles make me feel better and his voice is like music to my ears. I can't run away from him because his eye...