PSBF5: Yssa

2.8K 48 5
                                    


~~~oOo~~~~

Isang linggo na ang nakaraan mula ng dumating si Yssa sa bahay, hindi na nito kasama ang kaibigan dahil sa tiyahin na din nito nakituloy.

Isang linggo na din akong binubwisit ng magaling kong pinsan tungkol kay kumag.

Isang linggo na din akong di komportable pag napapag isa kami ng kumag, kahit di na niya nabanggit ang katangahan ko bago kami binulabog ng pagdating ni Yssa nung araw na iyon.

Ang kinabwiwisit ko sa di malamang dahilan, apat na araw na ang nakakaraan, tatalong araw mulang ng mangyari iyon ay parang wala lang sa kanya ang nangyari at kung kani kanino na nakikipaglampungan sa eskwelahan, at ang magaling kong pinsan sumali pa sa mga babaeng lumalandi dito, basta pakiramdam ko kumukulo na ang dugo ko.

Isa pang kinaiinis ko at ilang ulit ko ng pinagsabihan, ang kup@l na si kurt ngunit parang nananadya. Lumalabas na lang ito ng kwarto na naka boxer lang at walang pang itaas, bina balandra talaga ang katawan na ikinatutuwa naman nang bwisit kong pinsan.

Tulad ngayon mag aalmusal kami, ang kumag umupo, lumabas ng silid namin na boxer lang ang suot at dumeretso na ng lamesa kung saan nakahain na ang almusal na inihanda ko, wala kasi ulit ang magaling kong ina at nagliliwaliw na naman.

"Sh¡t my hot pandesal na naman akong aalmusalin" sigaw sabi ni Yssa na nagmadali talagang lumapit at umupo sa tabi ni Kurt na nasa harapan ko.

Agad nitong inangkla ang braso sa braso ni Kurt.

"Good morning Kuya Henry" nakangising bati pa nito at di pa talaga ako pinansin.

"Good morning din ha Yssa!! " sabi ko dito.

"Oh Kuya Matt andyan ka pala, morning" sabi nito sa akin na parang di talaga ako napansin kaagad.

"Kuya pwede pahawak ako ng hot pandesal" malanding sabi ni Yssa sa kumag na nagpasamid sa akin mula sa iniinom kong kape.

"Oh kuya dahan dahan naman kasi" sabi ni Ysaa na nakatingin na sa akin.

"Kuya, pahawak ha nanahimik ka na jan" sabi nito at walang pagdadalawang isip na dinala ang kamay sa may tiyan ni Kurt"

"Sh¡t ang tigas" sabi pa nito

Fvck!!! Agad akong tumayo at pumunta sa likod nila at agad hinila ang kamay ni Yssa, baka kung saan pa mapunta iyon, mukhang may pagka manyak pa naman ang babaeng ito.

"Yssa anu ba at talagang harap harapan ko pang lumalandi?, pag di ka tumigil ingungudngod na kita dyan sa lamesa at pipitpitin ko yang malikot mong kamay"

"Kuya ang damot mo talaga, parang hinihiram ko lang jowa mo, at dinadama lang naman ung abs" sabi nito sa akin.

At ang kumag syempre ngising aso na naman dahil tinawag syang jowa ko ng kiri kong pinsan, kahit na ilang beses ko nang pinabulaanan ang mga sinasabi nitong mag shota kami.

"Hindi ko nga shota iyan, ilang beses ko bang sasabihin sayo"

"Oh, kung di naman talaga, huwag kang madamot at swapang, napaka---" tumigil na ito ng sasabihin dahil pinaningkitan ko na ito ng mga mata.

"at ikaw" duro ko kay kurt sabay pingot sa tenga nito.

"Ouchh, Matt!!!" sigaw nito ng hatakin ko sya patayo na sa tenga pa din nakahawak.

"Matt my ear,, " reklamo nito.

"Wala akong paki alam kung nasasaktan ka, sumunod ka sa akin kung ayaw mong matanggal iyan" kinaladkad ko sya paakyat sa silid namin.

"ilang ulit ko bang sasabihin na magbihis ka, mukhang enjoy na enjoy kang pinaglalawayan ni Yssa, sabi ng huwag lalabas ng walang suot"

"Tss, jealous" sabi nito ng bitawan ko ang tenga niya at itulak papasok sa loob ng silid.

Porn Star's Bestfriend (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon