Part II
~~~oOo~~~
Sa hindi malamang dahilan ay tinugon ko ang mga halik na iyon. Mga halik na sa di maipaliwanag na dahilan ay nagdadala sa akin nang kakaibang sarap. Sarap na hindi ko pa naranasan sa isang simpleng halikan lamang, (kung simple pa ngang matatawag ang ginagawa namin).
Napakalambot ng kanyang labi at napakahusay humalik, nakakalunod sa tamis. Fvck anu ba itong ginagawa ko, alam kong mali pero iba ang sinasabi mg sistema ko, tila ba ito lang ang nais niyang gawin ang makipaghalikan sakanya kahit buong maghapon pa. Kaya nga lang may mga istorbong bigla na lang tinawag tawag ako.
"Matt, ui matt"
"Matt...
"Mr. Valencia"
"Matt"
"Mr. Valencia"
Anu ba yan bakit ba ang ingay at panay ang tawag?? Kitang busy ang tao eh.. Hinaing ko sa sarili ko.
Wait.. Teka lang sino bang tumatawag...?
"Ui matt gising!!!! " sabi ng boses na di ko naman masyadong maintindihan.
"matt.., "
"MR. VALENCIA!!!! " isang malakas na pagtawag sa akin.
"ANO BA KITANG NAKIKIPAGHALIKAN ANG TAO EH" sigaw kong sagot sa tumatawag sa akin.
Hanggang sa makarinig ako nang hagalpakan..
Pag lingon ko sa paligid ko...
⊙_⊙ nasa class room pala ako at nakatulog at pagtingin ko sa prof namin..
-_-|| naniningkit ang mga mata ni Ms. Katikbak ang matandang dalaga na saksakan ng sungit.
Patay kang bata ka!!! Sa dami nang tutulugan klase, sa oras pa ng klase ni Ms. Katikbak.
"Mr Valencia, in faculty after class.. " madiing sabi nito.
Bwisit namang buhay to oh, paniguradong tapos ako nito.., at bwisit na panaginip yon, sa dami ng maka kahalikan ko ang kumag pa talaga, at hanep lang bakit sarap na sarap ako doon na ikinagalit ko pa ang pagtawag sa akin ni ms Katikbak sa gitna ng pananaginip ko.
Nakakapikon na itong sarili ko, pati ang alaga ko ay tinatraydor ako, sukat ba namang mag react din, ramdam ko pa ang bahagyang katigasan nito sa loob mg pangloob ko.
Bull shit this can't be happening.....
____
Medyo ginabi na kami ng uwe nang kumag na si Kurt dahil hinintay ko pa si Ms. Katikbak na may meeting pala sa ilang co teacher nito, ala sais ko na siya nakausap sa opisina niya at talaga namang walang patawad ang matandang dalaga. Community service agad sa loob ng tatlong araw ang parusa niya.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga ng magsalita ang kumag.
"ok ka lang babe? "
Pinaningkitan ko ito ng mata, nagawa pa talaga mang asar ng kumag, ngising ngisi ang g_go nang malingon ko. Napatitig ako sa mga labi niya at na alala na naman ang sanhi ng pagpapatawag ni Ms. Katikbak.
Di ko malaman pero nag iwas ako ng tingin dahil doon
"Tigil tigilan mo nga ako,bad trip na ako huwag mo na dagdagan"
Put@ anong bang nangyayari sa akin, para akong babaeng di mapakali ang kalooban dahil sa panaginip na iyon.
"Ako ba yung napanaginipan mo? " sabi nito sabay akbay sa akin na ikinalingon ko.