PSBF3: New student/ New set-up

4.2K 56 1
                                    

••••••

Part I

~~~oOo~~~

Bwisit ang kumag panay ang asar sa akin habang naglalakad kami papasok nang eskwelahan.

Nang makarating nang unibersidad ay agad naman kaming pinagtinginan nang mga estyudyanteng maagang pumasok. Medyo nangunot ang noo ko, bakit madami ng estyudyante at karamihan ay kababaihan, anong meron?. Nang makita kami ng mga kabarkada ko ay tila hangin akong nilampasan at nagsipaglapitan kay Kurt.

"Yow.., Kurt" bati ni Mackoy nakipag fist bump ganoon din sina Ruel at Jimmy.

"Hey", pagtawag ko sa atensyon nila.

"Anong meron at tila ang aga ng mga estyudyante ngayon? " tanong ko habang naglalakad kami papunta sa tambayan.

"Hehe.. Nalaman kasi nila na may transferee na barkada na naten kaya, tulad ng dati curious ang mga girls. " sagot ni Ruel.

Nangunot ang noo ko, paano naman nalaman nang mga estyudyante ang tungkol dito?.

"Huwag kanang magtaka, sikat tayo kaya malamang nachek na nang mga stalker naten yan.

"Hindi rin eh, malamang iyan na namang si Mackoy ang nagdaldal nang tungkol dito"

"Oi, si Rachelle lang naman sinabihan ko na-"

"Na numero uno sa chismisan" pagputol ko sa pagdadahilan nito.

"nagpadala ka na naman sa ka manyakan mo"

"Bakit ba ang init ata ng ulo mo, agang aga eh" si Jimmy

"Ano pa nga ba edi dahil jan sa tukmol nyong bagong ka brad"

Tumalikod na ako para sana maglakad nang magsalita si Kumag.

"He just wake at the wrong side of the bed, right bf" pang iinis nito sa akin.

"BF!!!!!? " sabay sabay na sigaw nang tatlong itlog na mga may namimilog na mata.

"Yup, short for best friend" sabi naman ni kumag.

"ahhh" sabay sabay ulit ang tatlo

Bwisit ko silang iniwanan at naglakad na nang diretso sa classroom ko.

Hindi ko napansin na humabol pala ang apat.

"Hey, Matt" sigaw ni kurt kaya nilingon ko sya sandali.

"Didn't your mom tell you to guide me here? "

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Papaanong nalaman ng kumag ang tungkol doon.

"Nope" pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo nito.

"Really? "

"Yup, malaki kana I'm sure di kanaman maliligaw dito at sa looks mo pa lang siguradong madaming tutulong sayo dito. "

Tumalikod na ako at nagtuloy sa paglalakad pero ang gago ayaw talaga tumigil at sumigaw.

"exactly, with my looks.... Baka marape lang ako" saad nito.

'Na sigurado namang ika eenjoy mo" sagot sigaw ko pabalik.

"Hoy, sama mo naman hahayaan mong marape itong si tisoy" si Mackoy na nakisali na rin.

"Samahan nyo kung gusto nyo, malaki na yan" at nagdiretso na ulit ako nang lakad.

"Matt, hahayaan mo talagang marape ang bf mo? " Sigaw nito na tila may halo pang lungkot ang boses.

Di ko na sana papansinin ang pang iinis nito ng ma ala alang nasa hall way n pala ako ng building kung asan ang room ko.

Shit paglingon ko sa paligid madami ng estyudyante at nagbubulungan dahil kay tukmol.

________

Nasa ilalim ako nang isang puno kasama ang isang second year tourism student na naka pulupot sa akin at game makipag halikan.

Nasa kalagitnaan kami nang mainit na halikan nang bulabugin kami nang mga boses.

"Hey handsome wait for us" sabi nang matinis na boses nang isang bakla na talaga namang umagaw nang atensyon namin.

Pag lingon ko at nang babaeng kasama ko isang Kurt ang nagmamadaling tumatakbo papunta sa direksyon namin na habol habol nang limang bakla.

"Hey babe, buti na lang andito ka, ayaw nila ako tigilan" sabi nito nang makalapit sa amin.

Ang malanding tourism student na kasama ko iwan ba daw ako at lalapit sana sa kumag pero nilampasin siya nito.

Sabay lapit sa akin at dampi nang kanyang mga labi sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sa halip na upakan ang kumag ay tinugon ko ang halik na iyon at sinimulang palalimin ang aming mga halik.

Kakaiba ang tamis na dulot nang kanyang mga labi sa akin. Napakalambot nito at kakaibang kuryente ang binibigay nito sa akin, hindi kuryente na nakamamatay kundi isang kuryente na may ibang pakiramdam, di ko ito maipaliwanag dahil di ko pa ito nadarama. Ito yata ang tinatawag nilang kilig, kinikilig ako habang kahalikan sya.

Porn Star's Bestfriend (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon