A/N: this chapter is dedicated to @haydenagenda... Maganda yung story nya IluvUpaolo! Binabasa ko yun using my second account @AriesCullen.. Sa mga di pa nakakabasa nuon try nyo maganda sya.***
Ilang araw na lang at pasukan na, at si mokong Kurt sa unibersidad kung saan ako nag aaral, naisipang pumasok na ikinatuwa nang magaling kong mga kabarkada na sina Mackoy, Jimmy at Ruel.
Kung titingnan mo tila ba napakatagal na nilang magkakakilala at magkakaibigan.
Mabait at madali naman daw pakisamahan si Kurt.., Ewan ko nga ba bakit tila sa akin lang malakas mang alaska ang g@go.
Ngayon nga ay unang araw ng pasukan maaga akong bumangon at naghanda para sa pag pasok. Pag labas ko nang silid ay patapos pa lamang magluto ng aalmusalin si mama.
"Ba himala at maaga kang nagising." bungad ni mama nang makita akong papasok nang kusina.
Hindi ko na lamang ito pinansin, hindi ko nga din alam sa sarili ko bakit maaga akong bumangon ng higaan. Madalas kasi kulang na lamang buhusan ako ni mama ng tubig para gumising at maghandang pumasok. Maaga lamang ako bumabangon kung may special event sa unibersidad, pero ang pumasok nang maaga sa unang araw ng pasukan ay talagang isang malaking himala.
Umupo na lang ako sa hapag at nag intay na matapos ni mama ang niluluto.
"Sya nga pala isabay mo na si Kurt sa pag uwe, at alalayan mo sa school, alalahanin mo transferee yun" sabi ni mama habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko.
"Ma, malaki na iyon kaya na nya ang sarili nya tiyak ko makakaraos yun sa school ng walang tulong ko-- ARAY!!!! mama naman, bakit nyo ako binatukan"
"Aba't, eh bakit hindi, anung klase kang kaibigan at basta mo na lang hahayaan yung kaibigan mong bago sa school nyo?, at anak di lang basta kaibigan,, bestfriend mo yun. "
"best friend.., nakaya nga nya na---"
-_-# hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa tingin ni mama.
"Sige na.., ako ng bahala sa kulugong iyon" sagot ko na lang ng tumigil na si mama..
"pero ma, bakit kinakailangan ko pang isabay umuwe, ano ito tour guide na, driver/yaya na ihahatid pa sya sa kanila"
"eh, kesa naman maghiwalay pa kayo, eh dito din naman ang deretso ni Kurt mamaya."
"Oh.., yun naman pala eh., dito dederetso ang kulugo bakit....., MAMA!!!!! ano nanaman, inimbita niyo nanaman iyon dito? Hindi ba kayo nagsasawa sa pagmumukha nun, eh halos araw araw nan dito na sya, bakit kaya di na lang ninyo patirahin dito, tutal parang dito na din yun nakatira, malimit pa dito sa aten kesa sa bahay na tinutuluyan nila ni tita" mahabang reklamo ko.
"Actually, kaya nga pinasasabay ko na sya seyo pag uwe mo, kasi simula mamaya dito na sya titira... " masayang sabi ni mama...
"Oh.., edi mabuti dito na para titira, di na kayo magpapa ulit ulit na magimbita sa mokong, daug nyo pa ang naglilihi at pinag lilihihan sya" wala sa loob na sagot ko dahil sa inis, lagi na lang si Kurt ang bukang bibig ni mama, para talagang naglilihi o baka naman in love sa g@go
0.O inlove?? nababaliw na ata ako kung iisipin kong ganoon nga., pero teka ano nga bang sabi ni mama,...
Loading.......