PSBF4 "the TEASE "

4.3K 52 3
                                    

~~oOo~~

"O brad, di na naman maipinta iyang mukha mo" puna ni Mackoy nang masalubong ko ito, di ko na lamang ito pinansin at nagderetso sa tambayan.

Humiga ako sa ilalim ng puno at ipinikit ang aking mga mata nais kong makatulog dahil wala pa akong tulog at naiinis ako sa dahilan kung bakit ako walang tulog.

"Mack, ginisingin mo na iyang si Matt at thirty minutes na lang magsisimula na ang klase" rinig kong saad ni Jimmy, dumating na pala ang loko.

"ehh?? Kapipikit nga lamang niyan eh" sagot ni Mackoy.

"Ano?, oi Matt, matutulog ka pa, sasakit lang ang ulo mo" si Jimmy

"Di na lang ako papasok sa first subject ko, hayaan nyo muna ako makatulog"

"Ikaw bahala" na dinig ko pang sagot nila matapos ang ilang sandaling di pag sasalita.

____

flashback

Bwiset akong sumalampak sa kama dahil sa huling hirit ni mama.

Seriously ano bang pumasok sa isip ni mama para sabihin ang mga iyon...

Virgin pa iyang si Matt... Huwag mong pupwersahin...

Virgin pa iyang si Matt... Huwag mong pupwersahin

Virgin pa iyang si Matt... Huwag mong pupwersahin

"argggghhhh" nasabi ko na lamang dahil sa pa ulit ulit na pag play nang mga katagang iyon.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kurt at ang pag lundoy nang kama, tanda nang kanyang pag upo rito.

"your mom is really funny" saad nito at naramdaman ko ang pag tayo nitong muli...

"Mauna na ako gumamit ng banyo" saad nito nang di ako umimik.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbukas na ang pinto ng banyo at lumabas itong nakatapis lamang ng towel sa lower part ng kanyang katawan. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako nang kapwa lalaki na kagagaling lamang sa paliligo. Madalas din naman akong may nakakasabay nang pagbibihis sa locker ng mga player sa school ngunit may iba sa pagkakataong ito.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang katawan nito,  kitang kita na alaga niya sa gym,  may mahuhubog na masel sa dibdib.,  may nakatatakam na buns na tila minasa nang husto sa -- shit !!! What I am thinking,  at bakit ko sinusuri ang kanyang katawan.  Napa iling ako sa aking isipan dahil sa kabaliwang tumakbo rito.

"Baka naman magkulang na ang abs ko niyan dahil sa pagkakatunaw" anang boses na syang tuluyang nagpagising sa kamalayan ko.  Nakatulala na pala ako sa kanya at di namalayang nakalapit na ito sa akin.

'Wanna taste it? " nakalolokong ngiti pa nito nang sabihin iyon.

"G@go" sagot ko sabay lampas dito at pasok ng banyo.

Fvck I need cold shower,  I can't deny it anymore, he really has different effect on me.  And I really hate the feelings he's creating on me.

Nang matapat ako sa tubig ay unti unti nitong inalis ang init na aking nararamdaman,  habang nagyayari yun ay derederetso ang pagmumura ko sa aking isipan.

D@mn this feeling,  di ko maisalarawan kung ano bang nangyayari sa akin,  sa ilang linggong pagbabalik ni Kurt sa buhay ko ay siya ding pagbabalik nang pagkalito sa aking sekswalidad at pag babalik ng damdaming di ko alam kung ano,  o ayaw ko lamang talagang pangalanan.

Di ko naman lubos masabing isa akong bakla dahil bukod tanging sa kanya ko lamang nararanasan at nadadama ang ganitong pakiramdam at natatakot ako na baka lumalim ito lalo pa at kasakasama ko na siya sa iisang bubong at maging sa unibersidad. Natatakot akong mauwi sa kung saan ito at baka arggggggrrr sasabog na ang utak ko sa dami ng mga alalahaning dala ng muli niyang pagbabalik.

Porn Star's Bestfriend (boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon