CHAPTER 02

13 8 0
                                    

Napaungol ako ng mahina dahil parang titilapon ako sa lakas ng pagtalbog ko sa sasakyan. 

Ano ba 'yon? 

Napapikit ako lalo ng maramdaman ang sakit ng ulo ko. Huhuhu, hindi na talaga ako sasama kila Valerie sa susunod. 

"Fuck! What was that?!"

"Sorry, Sir. Hindi ko napansin 'yong humps." 

"Tss." 

Tuluyan kong dinilat ang mga mata ko habang hawak-hawak ang ulo ko dahil masakit pa din. Waaaah! Gusto na lang matulog ulit! 

"Nasaan ako? Sino kayo?" Tanong ko ng mapagtantong hindi ko kilala ang mga kasama ko sa sasakyan. At puro lalaki silang lahat! "Sino kayo? Nasaan sina Valerie? Nakibirthday din ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong dahil hindi na ako mapakali. 

Nasaan sila Val? Tropa ba nila Jane itong mga 'to? 

Bakit ko sila kasama? Bakit ba ako napunta dito? Huhuhu!

Pilit kong inalala ang mga nangyari ngunit hindi ko maalala! Naramdaman ko na lang bukod sa sakit ng ulo ko ay naramdaman ko ding masakit ang bandang tiyan ko. 

Nanlaki ang mata ko at tinignan ang mga kasama ko. Tatlo sila. Isang nagd-drive, isang naka-upo sa shotgun seat at isa sa tabi ko. Tinitigan ko ang lalaking katabi ko, pamilyar siya. Hati ang buhok nito na bagsak pero mukhang naka-wax naman, hunter eyed at napapalibutan ang mukha niya ng bigote at balbas na hindi naman gano'ng kahabaan, pero kitang-kita pa rin ang gwapo nitong mukha. Nakapikit ito at nakasandal sa upuan at parang....namumutla siya. 

"Oka--"

"Ma'am, may dumi ka ho sa ilong." 

Napatingin agad ako sa lalaking nakaupo sa shotgun seat dahil sa sinabi niya. 

"Talaga ba? Naku." Pabulong na saad ko at kinapa ang bag ko para kunin ang panyo ko ngunit hindi ko iyon makita. 

Nasaan ba 'yon? 

Napatigil ako ng abutan ako ng lalaking katabi ko ng itim na panyo. Tinignan ko ito pero nakapikit pa din siya. Naalarma ako ng bigla itong dumilat at nagtama ang tingin namin kaya agad kong kinuha ang panyo na inaabot niya. 

Nakakatakot ang tingin niya. Parang nangangain ng tao. 

Baka cannibal siya? 

"Cannibal ka ba? Kakainin mo ba ang lamang loob ko katulad ng ginagawa sa mga movies?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. 

Unti-unti kong pinahid ang panyo sa ilong ko para maalis ang sinasabing dumi ng lalaki. Napansin ko ang driver na kanina patingin ng tingin dito sa likuran gamit ang rear-view mirror. Anong meron? 

"Tropa ba kayo nila Val?" Muli kong tanong pero wala ulit sumagot. 

Magtatanong muli sana ako ng makaramdam na naman ako ng antok. 

Napapansin ko talaga these past few days napaka...antukin ko na. 

"SHHH! Matthew lower down your voice!" 

"Tss. You should be the one who shut up, Mattheus. You always shout, remember?" 

"I'm not!" 

"Yes."

"I'm not, Matthew!" 

"There. You just shouted again." 

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko ng makarinig ng ingay sa paligid. Sa natatandaan ko wala namang bata sa apartment ko ah. 

"She's awake!" Rinig kong excited na sabi ng isang bata. 

"Good morning." Bati naman ng isa. 

Tinignan ko silang pareho, magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Pati buhok ay parehas din, kahit sino ay malilito sa kanilang dalawa. Napakunot ang noo ko ng makita ang isa na nakaupo sa tabi ko at nakangiti saakin. Ang isa naman ay nakatayo at nakaiwas ng tingin. At nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napagtanto ko na....

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now