CHAPTER 06

12 8 2
                                    

"Mommy are you okay? You're spacing out." 

"Mom?" 

Bumalik lang ako sa ulirat ko ng tawagin ako ng kambal. "Huh? Wala. Sige maupo na kayo titimplahan ko lang kayo ng gatas." sabi ko at kumuha ng dalawang baso tsaka nilagyan iyon ng milk powder. 

Nagtatakha lang ako dahil ng bumangon ako ay natutulog pa din si Reden. Wala ba siyang pasok? Oh baka naman nakalimutan niya mag alarm? Dapat ba ginising ko siya? Kaso baka magalit, barilin pa ako.

Pagkatapos kong haluin ang gatas na ginawa ko sa kambal ay parehas ko iyon hinawakan sa hindi mainit na parte para dalhin sa mesa at laking gulat ko na nakaupo si Reden na nakabihis at kumukuha ng bacon at sinangag na niluto ko. Kaya pala tahimik ang kambal. Nilapag ko sa harap ng kambal ang tinimpla kong gatas at nilagyan sila ng bacon at sinangag sa plato nila. 

Napansin kong ang linis ng mukha niya ngayon. Wala ng mga buhok sa mukha niya. Nag-shaved siya. Bakit? Dahil ba sa sinabi ko kagabi? 

Wow, assuming much, Adri?

Pero ang gwapo niya. 

Nagtimpla na din ako ng dalawang kape. Saaming dalawa. Pagkatapos no'n ay nilapag ko iyon sa harap ng plato niya. 

"Kape oh." sambit ko at naupo na din para kumain. "Wala kang pasok?" kaswal na tanong ko sa kaniya. Kunyari hindi ako intimidated 'di ba? Wish me luck, sana buhay pa ako after nitong umagahan na 'to. 

"None. I took a day-off." 

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ang kambal, nakita kong nakangiti si Eos habang si Matt naman ay ngumunguya lang at nakatulala, parehas sila. Hindi makapagsalita silang dalawa, mukhang nasurpresa sila dahil nandito ang tatay nila. Miski ako eh. Sana good mood siya.

"Parang wala si Sebastian sa labas. Hindi ko napansin kanina pa eh." 

Nakita ko itong humigop ng kape. Pagkababa niya no'n ay tsaka ito sumagot. "I'll drive." simpleng sambit niya. 

"Yay! Oh my God, Matt. Dad's gonna drive us!" hindi na napigilan ni Eos na magsalita at inalog-alog pa niya ang balikat ng kapatid niya. Pero hindi kumikibo si Matt, tango lang ang sagot nito sa kapatid niya. "And this is the first time that Dad join us for breakfast!" dagdag pa niya. 

Napangiti na lang ako dahil ang hyper hyper ni Eos ngayong umaga. Mukhang tuwang-tuwa nga ito dahil kasabay niya ang tatay niya sa umagahan at ihahatid pa sila sa school. Finally, family time. Their family time. 

"Mom and Dad gonna drive us to school!" 

"Finish your food, Mattheus." utos ng tatay niya at tumango naman ito. 

Lumipas ang ilang minuto ay tapos na din kaming kumain kaya naman niligpit ko na ang pinagkainan namin tsaka lumabas ng bahay. Bitbit ko ang baunan ng dalawa habang si Eos ay nauna na sa sasakyan. Habang si Matt naman ay naglalakad papuntang sasakyan. 

"Let's go!" 

"Shut up, Eos. Close your eyes." utos ng kapatid niya. Tinignan ko silang dalawa sa review mirror at napangiti ako ng napagtantong nagdadasal silang dalawa. Kaya pumikit na din ako. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. 

Tama 'yan. Ipagdasal niyo ang tatay niyo. 

Huminto ang sasakyan sa harap ng school nila Eos at Matt. Kita sa mukha ng dalawa ang pagkadismaya at mukhang ayaw pa nilang bumaba. "I don't want to go yet." malungkot na saad ni Eos at mukhang napipilitan na bumaba ng sasakyan. 

"Hurry, Eos. We'll be late." sambit ng kapatid niya. 

Bumaba ako para iabot sa kanilang dalawa ang baon nila. Napansin kong sinilip nila ang tatay nilana ngayon ay nililibot ang tingin sa labas ng school nila. 

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now