CHAPTER 07

11 8 0
                                    

"Pwede bang--"

"No."

Pasikreto ko itong sinamaan ng tingin. "Hindi mo pa nga alam ang sasabihin ko, 'no' agad?" inis na usal ko. Kapag sa kaniya mo naman ginawa 'yon, galit na galit. Sapukin ko kaya 'to?

Mula sa pagkakatingin nito sa labas ay lumingon ito sakin, "Whatever it is, it's a no."

Ilang minuto akong tumahimik dahil sa sinabi niya pero hindi. Hindi ako magpapaka-under! "Gusto kong dumaan sa bayan. Madami doong pwedeng kainin. Katulad ng kwek-kwek, fishball, isaw ng manok--"

"I'm tired. So still a no." reklamo niya. Jusko Lord, naka-kunot na naman ang noo niya.

"Ako hindi pa. Tsaka dadaan lang ako ng simbahan. Kung ayaw mo edi wag, magsama kayo ni Lucifer." hininaan ko ang boses ko noong binanggit ko 'yong panghuli tsaka tumingin aa labas ng bintana.

Magdadasal ako at hihingi ako ng mahabang pasensya. Tsaka medyo matagal na din no'ng huling bisita ko sa simbahan. Feeling ko ang bigat bigat na ng loob ko. Para bang ang dami ko ng kasalanan.

"Lucifer?" tanong niya.

"Oo. Kilala mo 'yon?"

"How did you know him?" tanong nito at binigyan akong masamang tingin.

Ano na naman bang problema nito? Lucifer, the devil. Di 'ba? Bakit bawal bang makilala siya? Tsaka mayroon ngang tv series na Lucifer eh! Si Tom Ellis pa nga ang gumanap no'n, paanong hindi ko makikilala?

Mas lalo akong naguluhan ako sa kaniya dahil itinigil niya ang kotse sa may gilid ng kalsada-at nakakaloka dahil nasa highway kami! "Bakit-"

"Answer me." seryosong saad niya at humarap akin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil iilang agwatnalang ng layo ng mukha naming dalawa. Kahit ito 'yong palagi niyang mukha kapag nagkikita kami-galit at dahil malinis ang mukha niya ngayon ay kitang-kita ang kagandahang lalaki nito. Siguro ay buong araw ko sasabihin sa sarili ko kung gaano ito kagwapo.

"U-uhm...." hindi ko masabi ang dapat kong sabihin dahil na-iintimidate ako sa mga titig niya.

"How did you know Lucifer? Did he talked to you? Did he hurt you? Fuck, answer me!" sunod-sunod nitong tanong kaya mas naguluhan ako at doon ako natauhan.

"Ano bang pinasasabi mo? Naka-shabu ka ba? " takhang tanong ko sa kaniya. "Lucifer, the Devil! Si Satan. Hindi mo kilala? O siya, iyong sa Netflix! Lucifer the Devil! Oh-" hindi na niya ako pinatapos mag-explain at umingos ito tsaka pinaandar muli ang sasakyan. Habang nasa byahe ay panay ang pag-iling at paghilot niya sa sentido niya.

Ano na namang problema nito?

Napansin kong na papunta kaming bayan dahil pamilyar ako sa dinadaanan namin ngayon.

Sus, kunya-kunyari pang ayaw. Pa-no no pa, gusto din naman makagala. Sabagay kung ako din naman ang nasa posisyon niya. Napakabusy at buong araw nakatutok sa trabaho, aba, siyempre gugustuhin ko talagang gumala.

Pagkatapos niyang mag-park ay bumaba na ako ng kotse. Ilang minuto na akong nakatayo sa labas pero nagtakha na ako dahil hindi pa rin siya nababa ng sasakyan. Kaya naman binuksan ko ang pinto ng kotse at sinilip siya. "Anong hinihintay mo diyan? Pasko? O bagong taon? Malayo pa 'yon kaya bumaba ka na diyan. Pa-chicks ka pa ha." sabi ko sa kaniya.

"What the hell? Do you wanna di-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil sinarado ko na ulit ang pinto ng kotse at nagsimulang maglakad.

Nilingon ko siya mula sa hindi kalayuan. Nakita kong nakasunod na ito sa likod ko habang nakakunot na noongnakatingin sakin. Hay, ano ba 'yan. Feeling ko magagalit saakin si Father kung makikitang ganito itong kasama ko eh. Kaya naman naglakad ako pabalik sa kaniya.

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now