CHAPTER 08

8 8 1
                                    

"Mommy, I want food." sambit ni Eos at hinila-hila ang laylayan ng damit ko habang naghuhugas ako ng pinggan.

Nilingon ko siya at napangiti ako ng makita itong naka-nguso at tila nagpapaawa. "Ano bang gusto mo? Lutuan kita ng soup?" tanong ko.

Umiling-iling ito, "I want shirmp!" masiglang sambit niya at binuksan ang ref tsaka tinuro ang loob no'n.

Hinatid si Matt sa school para sa dry run ng Quizbee nila sa Monday. Kaya si Eos lang kasama ko ngayon dito sa bahay. Ewan ko ba sa batang 'to kung bakit ayaw sumali, ni-hindi ko nga makitang nakikihalubilo sa ibang kaklase niya. Maingay at makulit naman itong si Eos.

"Hindi mo ba alam, Eos. Na si mommy ay future chef? Siya, sige, ipagluluto kita. Basta behave ka lang ah?"

"Yes, mommy!"

Limipas ang ilang oras at nagluto na ako ng nire-request niya habang nagkekwentuhan kami. Aba, ayaw umalis sa tabi ko. Tanong lang siya ng tanong, ako naman sagot lang din ng sagot.

"Do you remember us now, mommy?" biglang tanong niya. Nakaupo siya ngayon sa may dinning table ng lingunin ko ito.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagluluto at bahagyang tumango. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa tanong niya kasi wala naman talaga akong memorya nilang pamilya kasi nga...wala talaga! Huhuhu.

"Good to know that! Alam mo mommy, Matthew's happy because you came back to us. Nagkaroon kami ng mommy ulit." kwento niya.

Habang hinahalo ko ang niluluto ko ay hindi ko mapigilang magtanong. "N-noong wala ba ako-"

"No one took care of us. No one cook for us. No one." bakas sa boses niya ang lungkot. Kaya naman tinakpan ko muna ang niluluto ko at hinayaang pakuluin 'yon tsaka nilapitan si Eos para hawakan ang kamay niya. "Daddy always have work. He doesn't have time for us." dagdag pa niya.

"Wag ka ng malungkot, nandito na ulit ako. Hindi na ako aalis." pagco-comfort ko sa kaniya at pinisil-pisil ang kamay niya.

Hindi ko man naranasan ang naranasan nilang kambal dahil buo ang pamilya ko, nalulungkot pa rin ako. At ayaw kong umabot sa punto na mangyari 'yon saakin. Ngumiti siya ng bahagya at niyakap ako ng mahigpit kaya ganun din ang ginawa ko sa kaniya.

"Mommy, I have question po." sabi niya at humiwalay sakin.

"Ano 'yon?" takhang tanong ko.

"Do you love daddy?" seryosong tanong niya. At dahil do'n ay napatigil ako. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa tanong na 'yon.

"Mommy?" tawag na ulit sakin.

"O-oo naman. Mahal ko ang daddy niyo." aligaga king tanong at ngumiti sa kaniya.

Ngumiti din siya sakin pero—'yong ngiti niya ay parang kakaiba. Hindi ko alam kung pang-aasar o ano. "Mommy?" tawag niya ulit.

"Bakit?"

"Do you smell something?" inosenteng tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na nagluluto nga pala ako ng hipon ni Eos! "Naku! Teka lang!" sambit ko at agad na binalikan ang niluluto ko. Dinig ko ang bungisngis ni Eos sa likuran ko habang ako ay hinalo-halo ulit ang niluluto ko. Buti na lang hindi malakas ang apoy noong iniwan ko kanina.

* * *

"Sarap, mommy!" compliment niya sakin habang kinakain ang hipon na binalatan ko para sa kaniya.

"Talaga?" natutuwa kong tanong, buti na lang talaga hindi nasunog kanina.

"Opo! Ngayon na lang ulit ako nakakain nito! Thanks God, Matt is not here."

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now