CHAPTER 04

12 8 1
                                    

"Hey! Can you slow down? I don't want to go to school yet! I want to be with mommy!" Masiglang sambit ni Eos sabay humarap saakin at ngumiti.

Napatingin na lang ang driver saamin sa rear view mirror. Luh problema nito?

"You're too loud, Eos."

"Can you walk for us inside the school?" Tanong ni Eos at niyakap pa ang braso.

Nako, paano ba naman ako makaka-hindi nito? Eh ang cute-cute niya!

"O-oo naman! Hehehe!"

"Yehey!"

Ilang minuto ay nakarating na kami sa school ng kambal. Sila ay nasa labas na ng kotse habang ako ay hindi pa din nalabas.

Huhuhu, hindi ako makapaniwala na may emeng anak na talaga ako at ihahatid ko pa talaga sa school nila. Jusko Lord, ano ba ito?

"Mom?" Si Matt ang sumilip.

"A-ah, oo! Eto na, teka lang hehehe." Pagkasabi ko no'n ay bumaba na ako ng kotse at agad namang hinawakan ni Eos ang kamay ko. Gano'n din naman ang ginawa ni Matt sa kabila.

"This is my first time..." Rinig kong bulong ni Matt.

"Na ano?"

"Na ihatid ng magulang." Sambit niya. At tumingin sa mga batang akay-akay ng ibang mga magulang papasok ng school. "Dad never drive us to school." Dagdag nito.

Kawawa naman sila. Hinigpitan ko ang kamay nila na parehas na nakahawak saakin.

"Huwag kayong magalalang dalawa. Ihahatid ko kayo araw-araw sa school."

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti ako sa kanila.

"Kung iyon ang gusto niyong dalawa. Hehehe"

"Of course, mommy! Sabi mo 'yan ah!" Eos exclaimed. Mukhang excited.

Tumango ako sa kaniya. Tumingin ako kay Matt at nahuli ko itong nakangiti kaya naman tinabig ko siya. Bumalik ito sa pagka-poker face at lumingon saakin.

"I wish Dad give us a ride instead of Sebastian." Sambit nito.

Wag kayong mag-alala, susubukan kong i-convince ang tatay niyo. Iyon ay kung good mood siya.

Napaaga ako ng pasok sa school ngayon. 9:30 am ay nasa school na ako. Hinatid ako ni Sebastian, parang ewan nga ito eh. Ayaw pa umalis kanina, dahil iyon daw ang utos ni Reden. Na huwag akong mawala sa paningin niya. Alangan naman hanggang room at cr sasamahan pa din niya ako? Aba, daig pa niya ang mga magulang ko. Sinabi ko lang na nakausap ko na ang amo niya at pumayag na iwan ako.

Hindi naman ako tatakas eh. Ang dapat na bantayan niya, ay ang mga anak niya. Hindi ako. Hays.

Nagtungo ako ng cafeteria at nang makahanap ako ng bakanteng table ay nagtungo ako doon at umupo.

Buti na lang talaga at hindi si Reden ang naging tatay ko. Kundi ay kawawa ako.

Pero...

Naalala ko iyong nangyari no'ng gabi na nagpunta kami sa lugar na 'yon. Pati na rin ang nasaksihan ko. Kung totoo iyong baril na hawak nila at 'yong dugo ng lalaki na nakahiga, ibig sabihin...witness ako sa krimen noong gabi na 'yon? Hala! Kaya siguro ako kinidnap ni Reden? Kasi akala niya magsusumbong ako sa pulis? Waaah!

May chance pa naman 'di ba? Pwede pa akong magsumbong sa pulis?

Waaaah! Edi makukulong si Reden at iyong kasama niya? Pati 'yong mukhang bouncer na may hawak saakin?

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now