CHAPTER 09

2 0 0
                                    

Maaga akong nagising para ipagluto ng almusal ang kambal. Nakasanayan ko na din sa umaga na ipaghanda sila ng makakain tapos sabay-sabay kami kakain. Pero ngayon, mukhang hindi. Hindi pa rin kasi nalabas ng kwarto nila si Eos simula no'ng lumabas ito sa hospital. Nagpapahinga pa siguro. Sabagay maaga pa naman, baka tulog pa iyong dalawa.

Si Reden naman hindi umuwi kagabi. Sigurado akong galit pa rin iyon sa nangyari kahapon. Kaya itong pagkain na niluto ko ngayon, sigurado na akong walang seafood dito—hotdog at sinangag. Nagkape na lamang ako tsaka umakyat ng kwarto para maligo.

Linggo ngayon, nakasanayan ko na din na magsimba lalo na kapag free day ko. Kahit naman noon, nalalate pa ako sa coffee shop tapos papagalitan ako. Iniisip ko nga kung nagsisimba ba si Aunty. Pero kung hindi, 'di bale na. Palagi naman siyang sinasama sa mga prayers ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako tsaka nag-ayos ng kaunti bago lumabas ng kwarto para hagilapin si Sebastian.

"Mommy?" napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si Matt na mukhang bagong gising pa dahil kinukusot pa nito ang mga mata niya.

Mommy pa rin ang tawag niya sakin.

Lihim akong napangiti dahil sa naisip ko na iyon. "Oh, bakit? Nagugutom ka na ba? Nagluto na ako ng agahan niyo. Si Eos ba gising na?" tanong ko sa kaniya.

Umiling ito. "Are you going somewhere?" imbis na sagutin niya ang tanong ko ay nagtanong siya ulit.

Tumango ako. Naglakad ito papunta sakin, "Magsisimba lang ako. Babalik din ako agad." pagpapaalam ko sa kaniya sabay pi-nat ang ulo niya.

"Can I tag along?" tanong niya ulit.

Napangiti ako, "Pwede naman. Pero kumain ka muna at maligo. Halika dito, ipaghahanda kita." sabi ko at dinala siya sa kusina para ipaghain ng pagkain.

"Okay, I'll be quick."

"Naku, baka mabulunan ka n'yan. Papatayin lalo ako ng tatay niyo kapag nangyari iyon." pagpipigil ko sa kaniya tsaka nilagay sa may tabi ng plato niya ang gatas na tinimpla ko.

"If I don't, then we will be late for the mass."

"Pwede naman sa susunod na mass tayo umattend."

Tumango-tango na lamang ito sabay nagsubo ng pagkain sa bibig niya. "Teka, dadalhan ko ng almusal ang kapatid mo sa taas—" tatayo na sana ako nang biglang pumasok ng kusina si Eos.

"No need. I'm not hungry." malamig na sabi niya.

"Pero 'di ba may iniinom ka na gamot na pang-umaga?"

"Oo." kaswal na sagot niya.

Parang nalungkot ako sa mga sagot niya saakin. Dahil wala manlang ito kaemo-emosyon. "Bilisan mo d'yan, Matthew. Gagawa pa tayo ng assignment sa Math." sabi niya sa kapatid niya. Nakita kong kumuha ito ng isang baso at binuksan ang ref. Kinuha niya ang isang fortified milk do'n at sinalin sa hawak niyang baso at iyon ang ininom niya.

"Wala tayong assignment sa Math." sagot naman ni Matt, dahilan na mapangiti ako. "I'm done. I'll go upstairs and take a bath. Wait for me, mommy." paalam niya.

Sinabi niya lang siguro iyon para ilayo sakin si Matt. Papalipasin ko lang ang ilang araw, tsaka ko na kukulitin si Eos.

"Hindi pa ubos gatas mo, ubusin mo ito!" habol ko sa kaniya dahil may natira pa sa baso niya na kaunti.

"I don't want—"

Umiling-iling ako, "Hindi pwede, alam mo bang madaming nagugutom na bata ngayon? Kaya wag kang magsayang ng pagkain." sabi ko sa kaniya. Kaya wala na itong nagawa kundi ubusin 'yon.

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now