CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Tahimik lang kaming apat sa loob ng sasakyan. Nakaupo kaming tatlo sa backseat, at si Matt ang nakaupo sa gitna namin. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng atmosphere sa loob ng sasakyan. Ilang beses ko ding nahuhuli na tumitingin si Damon sakin gamit ang rear-view mirror at umiiwas din naman agad ng tingin. Baliw ata 'to.

"Dad, nagsimba lang kami. And we just ate lunch." pagbabasag ni Matt ng katahimikan. "Right, Damon?" tanong niya pa sa lalaking nagmamaneho. Agad namang tumango ito at sumilip sa salamin.

Nakita ko itong mabilis na umiwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa daan dahil sinamaan siya ng tingin ni Reden.

Napapikit na lang ako sa kaba dahil 'don. Hindi manlang s'ya sumagot o nagreact manlang. For sure, galit 'to.

Pagdating namin sa bahay ay agad na bumaba ito. Hinawakan ko naman ang kamay ni Matt bago bumaba ng kotse.

"Follow me." malamig na saad ni Reden at tumalikod.

"S-sige po." sagot agad ni Damon at bumaling sakin. "Pray for me." He mouthed before he followed Reden.

Pray? Bakit? Grabe, hindi ba siya nagdasal kanina sa simbahan? Tapos ako ang uutusan niya ngayon?

"Mom, let's go." aya ni Matt sakin at tumango naman ako.

* * *

Gabi na. Tapos ko na din pakainin 'yong dalawa. Kahit na si Eos nagpapabebe pa, kunyari ayaw sumabay samin pero kumuha din naman ng sarili niyang pinggan at kumain. Nagpapahinga na din sila dahil may pasok na ulit sila bukas. Sinabayan ko na silang kumain dahil kung kay Reden naman ako sasabay, paniguradong hindi ako makakakain ng ayos. Kapag nakikita ko siya...naaalala ko 'yong nangyari.

At sakto namang kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ay siya namang may nag-doorbell. Ilang segundo pa ang inantay ko dahil baka nasa labas lang din sina Damon at Sebastian, baka sila yung magbukas. Pero wala, tumunog pa rin ang doorbell.

Siguro kabute sila nung past life nila. Bigla-biglang mawawala, bigla din namang lilitaw.

Pagkatapos kong punasan ang kamay ko sa basahan ay lumabas ako ng bahay para silipin kung sino ba ang nagd-doorbell ng ganitong oras. Alas-nuwebe na sa totoo lang!

Hindi ito pamilyar saakin kaya naman nag-aalangan ako kung pagbubuksan ko ba ito.

"Nako, wala po kaming inorder. Wrong address po yata kayo." sabi ko dahil nakita kong mag bitbit itong malaking supot.

I heard him chuckled. "I know Sanchez. I'm here for the twins." nakangiting sambit nito.

Kilala naman pala. Binuksan ko ang gate at bumungad saakin ang malawak na ngiti nito. "I'm Wave, Reden's friend. May binili lang akong snack para sa kambal. They're still up?" tanong nito.

Ang unique naman ng pangalan niya. Wave. Mas naintriga ako dahil may kaibigan pala si Reden?

"Alas-nuwebe pasado na ho...tulog na po sila may pasok na kasi ulit bukas, eh."

Tumango ito at hindi pa din inaalis ang tingin sakin. "Gano'n ba? Sige, iwan ko na lang ito sa'yo." sabi niya at inabot ang supot na hawak niya saakin. Tinanggap ko naman iyon.

"I see. Sullivan was right. You're still here."

"Huh?"

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now