CHAPTER 01

14 8 0
                                    

"Table 14, Adri. Bilisan mo, aba." Sabi ni Auntie Karen sakin kaya lumabas agad ako sa maliit kusina para puntahan ang Table 14. 

Tinipon-tipon ko ang mga kalat sa isang tray at ini-spray-an ang table tsaka pinunasan. 

Kasabay sa college life ko ang pag p-partime ko dito sa Key's Cafe ni Auntie Karen. Para extra income na din. Ayaw ko naman kasing umasa sa padala nila mama sakin palagi. Alam kong kinakapos sila, kaya kapag may kailangan ako sa school, hindi na ako nahingi sakanila. Nakakaipon naman ako kahit papaano eh. Tsaka mabait naman itong si Auntie Karen, maldita nga lang. 

Si Auntie ang cashier, siya ang humaharap sa mga customer. Siya ang taga-kuha ng order at ng bayad. Habang ako kasama ng dalawang barista dito sa mag mini-kitchen. May tatlo na ring branch itong café ni Auntie sa Luzon. Soon magkakaroon na sa Visayas at Mindanao. Manifesting! 

Sabado naman kasi ngayon kaya 10 hours ang duty ko ngayon. Kapag weekdays kasi 4pm to 10pm lang ako. 

"Isang Arianne Driah Cabrera nga po, Tita Karen!" 

Napangiwi agad ako ng marinig ang boses ni Seth sa labas. Grabe tapaga itong lalaking ito napakalakas ng boses. Hay nako, ganyan siya palagi kapag mga ganitong oras tuwing sabado. Imbis na kape o milktea ang orderin, pangalan ko ang sinisigaw. 

Ako nga pala si Arianne Driah Cabrera. 23 years old. Minsan Arianne tawag nila sakin. Minsan Adri for short. Minsan Ad to make it shorter. 3rd year college na sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Dapat graduate na talaga ako 3 years ago kaso nagstop ako kasi pinauna ko muna si Kuya at iyong dalawa kong nakakabatang kapatid na mag aral. Okay lang naman sakin iyon. Tapos na din naman si Kuya eh. 

"Adri, iyong mga kaibigan mong human megaphone nandito na. Mag break ka muna, sige na." Sabi ni Auntie at saka sumilip sa maliit na butas na pagitan ng mini kitchen at ng ginagalawan niya. 

Ngumiti ako kay Auntie at nagpasalamat. Tsaka nagpaalam sa mga kasama ko dito sa mini-kitchen na mag b-break muna ako. Paglabas ko ng mini-kitchen ay dumeretso agad ako sa kinauupuan nila Seth at Hazel. 

"Halika dito, Adri. Bilis. Pagsilbihan mo kami." Sabi ni Hazel habang kunyari binabasa ang menu namin. 

"Hi, Adri! I miss you!" Nakangiting saad naman ni Seth sakin.

Kaya naman ngumiti din ako sa kaniya. "I miss you too, Seth! Ano order niyo?" 

"Imissyou, imissyou ka diyan, Seth. Parang wala tayo dito araw-araw ah!" Kantyaw ni Hazel sa kaniya. 

"Pake mo ba, Hazel? Palibhasa walang nakaka-miss sayo kaya ganiyan ka. Diba 'no, Adri?" Tanong niya sakin tsaka matamis na ngumiti. 

"Hindi naman ata, Seth hehehe." 

"Aba, tangina mo ah!" Mura ni Hazel sa kaniya tsaka sinabunutan siya. "Kapag ako nagkaroon ng bebe, hu u ka sakin, Seth." 

Nang makuha ko ang order nila ay agad kong ginawa iyon pagkatapos ay bumalik sa table nila. Para talagang aso't pusa itong dalawang ito. Walang araw na hindi sila nag aaway. Bestfriend ko sila pareho. Si Seth, future Architect iyan. Ito namang si Hazel future Nurse. Parehas kami ni Hazel na one year na lang ay ga-graduate na habang si Seth naman next next year pa.

"Uy beng, alam mo ba buntis na si Gwen. Kilala mo iyon! Malapit lang iyong building nila sa inyo eh." Ani ni Hazel.

"Hindi eh. Sino ba iyon?"

"Iyong---"

"Shh. Napakachismosa mo talaga, Hazel. Wag mo na nga idamay si Adri sa pagkamarites mo. Tsk tsk." Napapailing na sabi ni Seth. 

Subdued and Tamed (Le Foncer Series #1)Where stories live. Discover now