CHAPTER 7 : Tagaytay

1 0 0
                                    

Belle POV

Natapos na ang second semester namin kaya ito bakasyon na, nag aya sila Mona At Liza na pumunta daw kami sa opening ng beach resort nila na sa tagaytay bukas.

" Belle naman eh! pumayag ka na please...break ka muna sa trabaho mo kahit dalawang araw, tandaan mo hindi ka robot, tao ka napapagod kaya please sumama ka na" nangungulit na naman itong pinsan ko, alam kong pag hindi ako pupunta hindi siya papayagan ng Tito.

" Darra! Please maupo ka nga doon at wag Kang malikot hindi mo ba nakikita may importanteng ginagawa ako! kumain ka nalang doon may ginawa akong grahams nasa ref kunin mo! At kung hindi mo gusto may mga mangga doon sa bodega hilaw at hinog ikaw na ang pumili kaya wag mo muna akong kulitin dito para matapos ako" sabi ko sa kanya alam kong nakasimangot na siya ngayon,

Nasabi ko naba na may manggo farm ako sa Batangas at kahapon lang ay nag harvest kami, Kasama si Timothy, Oo pinilit niya akong para payagan siyang sumama sa akin sa Batangas kaya no choice kaysa maghapon akong kulitin non.

" Belle pansin ko lately naging kumportable kana kay Timothy, Hindi mo na siya tinatawag sa family name niya at isa pa hinayaan mo siyang sumama sa iyo sa Batangas..may hindi ka ba sinasabi sa akin belle? usisa ni Darra sa akin habang nakaupo sa sofa ng opisina ko at kumain ng grahams.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko sa sa sinabi niya!,

" ano bang sinabi mo diyan Darra? Masyadong polluted ang utak mo! " saway ko Kay Darra.

Napaisip ako Oo nga no hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin lately, nagising nalang akong kumportableng sa presenya niya ,baka siguro palagi kaming magkasama at pag nandiyan siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko at kung hindi ko naman siya makita ay palagi kulang ang araw ko.

Iniwala ko nalang sa isipan ko ang mga ganyang bagay baka mawala lang ito kalaunan.

" Hoy! Belle on earth!! Nakikining ka ba? sabi ko sumama ka bukas sa tagaytay" pukaw ni Darra sa kin

Ano gagawin ko sa babaeng ito ang sobrang kulit para siyang si Timothy, argghh!! ang lalaki na naman iyon bakit ba bigla nalang sumusulpot yon sa utak ko!

" Okay na Darra ! suko na ako sayo...sasama na ako at please umuwi ka muna sa inyo at para matapos tapos itong trabaho ko anong oras na lampas alas syete na nang gabi Darra..utang na loob patapusin mo ako dito at para makasama ako bukas okay?" sinubukan kong ang sariling kumalma kasi anumang oras ay sasabog na ako sa inis...

" Okay sabi mo huh...settle na! Bye and good night my dear cousin" sabay halik sa pisngi ko, Darra I'm very pissed at you now gusto na kitang sigawan, pero napawi din ito nang halikan niya ako sa pisngi ito talaga bata nato alam na alam talaga niya kung paano akong asarin at pakalmahin tsk!

Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang tumunog na naman ang doorbell na isip ko si Darra lang baka may nakalimutan pero pag bukas ko sa pinto ay agad na bumungad sa akin ang mukha ng isang gwapong nilalang

" Timothy?"

You're my Compass Where stories live. Discover now