CHAPTER 8 : Defensive

0 0 0
                                    

Belle POV

" Timothy?" nagtataka ako sa kanya kong bakita nandito ito sa bahay ko at Gabi na

" ABA please!" amoy alak pa ito, ano bang nangyari sa lalaki ito na dito pumunta may bahay naman siya hayst! No choice kaya inilalayan ko nalang papasok sa loob ng bahay..

" Ano bang nakain mo Timothy? bakit naglalasing ka at dito ka pa talaga pumunta?" singhal ko sa kanya pero para akong timang dito nakatayo sa harapan niya habang siya nakalumpasay sa sofa sa sala..

" please ABA! " mahina niyang sabi pero tama na rin upang marinig ko ito.

ABA? yun ang tawag niya sa akin huh! may iba pa bang babaeng tinatawag niya non! Tsk! ano pa bang maasahan ko sa katulad niya expected na playboy tong lalaki na to, pero nakakasama nang loob Akala ko ako lang ang tinawag niya nang ganoon! Gago toh..kung di lang siya lasing matagal ko na siyang binangasan nakakainis !

Teka nga bakit ba ako nagagalit wala naman akong pakialam kung Ilan pang babae tawagin niyang ABA wala akong pakialam, maiwan ko na nga siya  at tatapusin nalang ang naiwan kung trabaho tsk! Istorbo...

Nakalipas ang ilang minuto hindi parin bumabalik ang focus sa binabasa kong papeles! arggh! Ako pa talaga ang may gana na makonsesnya samantalang siya itong nambulabog hayst! hindi pwede ito dapat matapos ko lahat para makasama kay  Darra bukas, kaya ang ginawa ko kumuha ako nang tuwalya at planggana na may tubig at bumaba para punasan ang gago!

Pagdating ko sa sala ay nakita ko siyang  mahimbing na natutulog, pinunasan ko siya kaagad sa upper part lang huh! At buti nalang mayroon akong mga malalaking damit na panlalaki hilig ko kasi pag suot nang ganoon pag nandito lang sa bahay kaya yun nalang ang ipinasuot ko sa kanya at binigyan nang unan at kumot, yan okay kana diyan siguro naman hindi na nako gulohin nang konsensya ko, makabalik na nga sa itaas para matapos na yon

Pasado alas kwatro nang umaga na ako natapos hindi ko nalang napansin ang oras sa wakas tapos na ako kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ko para maghanda sa susuotin at dadalhin mamaya at pagkatapos kong maghanda nakaidlip na ako na hindi ko namalayan.

" Hey! Belle wake up! " nagising ako sa isang haplos nang mukha ko, pagmulat ko ang pinsan ko pala na may ngiting aso! ano na naman ang trip ng isang toh! Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa relo ko around ten o clock na pala seven hours akong tulog...

" Darra naman ang aga mong mambulabog  !" inis ko sabi sa kanya pero tinitignan ko ay hindi parin mawala ang ngiting aso niya ano bang nangyari sa kanya? Nang bigla akong may naalala kagabi si Timothy! nakalimutan ko siya!

" ehem! Ikaw huh!! anong ginagawa ninyong dalawa dito kagabii"  panunukso niyang sabi sa akin

" Tigilan mo ako Darra! masyadong naging green minded kana lately at isa pa yung lalaki nayon pumunta ditong lasing Hindi ko alam anong nakain nun kung bakit dito dumiresto sa bahay ko! " Paliwanang ko sa kanya pero siya naningkit ang mata

" Bakit amoy defensive ka insan, okay sabi mo eh! Sige na magbihis ka na at maghanda Isang linggo tayo doon!" sabi niya expected na basta si Darra susulitin talaga ang bakasyon buti nalang natapos ko na ang lahat

" Okay!"

" Wait mag motor tayo papunta ng tagaytay alam mo na para tagal stress tulad mo na palaging subsob sa trabaho." sabi niya tumango nalang ako at pumunta sa banyo at gawin ang morning routine

You're my Compass Where stories live. Discover now