Chapter 01

2.4K 97 8
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 01°°°

•••Lucas POV•••

Tahimik kong nilalasap ang malamig na simoy ng hangin habang nakasakay sa isang motor

Kasalukuyan itong minamaneho ng pinsan kong si Calvin, dahil nasa bahay ang motor ko at galing lang sa pagawaan dahil nasira iyon noong nakaraang araw

Kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng daan patungo sa Sitio ng aming Baryo, upang alamin kung ano ang nangyari, kami ang pulis na nakadestino at naatasan ng nakatataas sa amin, para bisitahin at alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa aming lugar

"Alam mo insan,"ani ni Calvin habang nagmamaneho ng kanyang motor,"Sino kaya sa tingin mo ang dumali sa mga alagang hayop sa Sitio noh?,"ani pa nito sa akin,"Naku kawawa naman iyong mga nabiktima,"

"Sabi mo pa,"pagsang ayon ko,"Ayon nga sa mga kwento kwentong nasagap ko, eh mukhang mababangis na hayop ang tumira, karumaldumal ang mga sinapit at makikita mo ang bakas ng mga matatalim na mga ngipin,"mahaba kong tugon sa kanya

"Alam mo insan,"ani nito at nakita kong napapalunok siya ng laway,"Hindi kaya mga aswang ang nambibiktima sa Sitio?," tanong niya sa akin,"Matagal na kasing may kwento sa lugar na iyon tungkol sa mga ganitong nilalang,"

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya, eh sa hindi ako naniniwala sa mga ganyang kwento dahil sa moderno na ang panahon ngayon

"Ano ka ba naman, insan,"sita ko na natatawa pa din,"Ang tanda tanda na natin at isa pa ay mga alagad tayo ng batas, naniniwala kapa din sa mga ganyan? Ayusin mo na nga lang iyang pagmamaneho mo,"utos ko sa kanya,"Kung ano ano iyang mga pinagsasabi mo eh,"

Nakita kong napapailing nalang siya sa sagot ko sa kanya, dahil sa totoo talagang hindi ako naniniwala sa mga aswang, sa Lungsod na kasi ako nag aral hanggang sa makapagtapos at dito na nga ako nakadestino kasama ang pinsan kung si Calvin, kaming dalawa ang mag partner kaya kami din ang nautusan na mag imbestiga







Makalipas nga ang isang oras, nagawa na nga namin na makarating sa Sitio

Pero dahil sa maputik ang daan at katatapos lang umulan noong gabi ay iniwanan na namin ang motor sa bungad ng Sitio kung saan nakaparada ang mga tricycle na papasok at palabas ng Sitio

At higit sa lahat ay hindi pa sementado ang daan papasok sa Sitio na hindi kagaya sa Baryo namin na halos matatapos na iyong sementuhin

Pansin ko din na sobrang lago ng kakahuyan habang papasok sa Sitio, wala pa din pinagbago ang lugar na ito kahit na ilang taon na akong hindi nakakapasyal dito, para na silang pinag iwanan ng panahon at hindi napapansin ng Gobyerno

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na nga kami sa looban, tiniis namin ang malubak at maputik na daanan dahil ito lang ang nag iisang daanan papasok ng Sitio

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Aling Cora, tiyahin ng kasintahan ng pinsan ko

"Oh, tiya magandang araw po," bati ni Calvin kay Aling Cora,"Saan po ang tungo ninyo?,"tanong pa niya

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon