A/N
Pasintabi po sa mga kumakain,
Lalo na sa mga may mahihinang sikmura
⚠Read at your own risk⚠
-----•••••-----•••••-----•••••°°°Chapter 60°°°
•••Third Person's POV•••
Sabay sabay na silang dumulog sa hapagkainan, pansin niya ang isang napaka haba at malapad na lamesa na naka pwesto sa malawak na dinning area,na may mga upuang nakapaikot na hindi bababa sa tatlumpo
"Maupo kana,"ani ni Rigor,"Tabi na tayo,"
Tumango nalang siya bago naupo, nasa kaliwa niyo ang nakatatandang kapatid habang sa kabilang gilid nito ang Ina nila na tila nasa trono dahil wala iyong katabi na kahit na sino
"Simulan na ang masagang hapunan!,"ani nito kaya sabay sabay na inalis ng mga kasambahay ng nga ito ang takip sa mga pagkain na nakahain sa pinaka gitnang bahagi ng malapad na lamesa
Halos mapamura siya sa kanyang mga nakitang pagkain, naikuyom niya ang kanyang dalawang kamay na nasa ilalim ng lamesa
"Pasensiya kana iha,"ani ng Ina ni Rigor,"Hindi ko alam kung kumakain kaba ng baboy o baka, kaya nagpakatay ako ng tig iisa ng mga iyon saka manok, saka nagpa litson na din ako,"
Hindi siha kumibo habang nakatingin sa bata na halos lagpas ng isang taon ang gulang nito na ginawang litson ng mga iyon na may mansanas pa sa bibig nito
Napatingin siya sa spaghetti at pancit na halos mga bituka at daliri lang ang nakikita niya, dahil sa mataas na antas ng orasyon ang inusal niya kanina kaya nakikita niya ang lahat ng pagkain ng mga iyon
May hita pa ng tao na nangangamoy na din na halatang matagal ng patay iyon, may mga puso ng tao lalo na sa mga bata at puso ng mga hayop
Ang apple juice nila ay halata naman niyang purong dugo iyon ng mga taong kinatay ng ito para sa masagang hapunan ng gabing iyon
Napansin niya ang dalawang putahe na puro gulay at manok, kaya alam niyang ligtas iyon kainin at may kaninna ipinagpasalamat niya, ngumiti lang siya ng pilit sa mga kaharap niya
"Ano ang gusto mo?,"tanong ni Rigor sa kanya,"Litson? Manok? Barbeque?,"
Umiling lang siya bilang tugon sa kausap, dahil baka mapatay na niya ang mga kaharap kung pipilitin siyang kumain ng mga nakahain doon na alam niyang mga karneng tao
"Iyong kanin at gulay lang,"ani niya,"Saka manok, hindi kasi ako kumakain ng karne ng baka o baboy," dahilan niya para makaiwas lang siya na pilitin siyang kumain ng mga iyon
"Hindi pala mahilig sa karne ang nobya mo, Rigor?,"tanong ng isang balbal na tiyahin nito
Napakamot lang sa ulo si Rigor at kinindatan siya nito
"Kikiligin ba ako?,"tanong niya sa kaharap, sumimangot lang siya,"Paabot ng kanin, gulay at manok,"ani niya dito
Hindi na siya kumibo at nag umpisa na siyang kumain, pasalamat siya at may lasa ang mga iyon dahil kung hindi ay baka magwala siya doon dahil sa gutom na nararamdaman niya
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HorrorNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...