-----•••••-----•••••-----•••••-----°°°Chapter 109°°°
•••Third Person's POV•••
Nang nakalabas sila ng lagusan ay namulagat at nanlaki ang kanilang mga mata sa kanilang nabungaran, ibang iba na ang kagubatan na kanilang dinaanan noong umalis silang tatlo
"OMG!,"bulalas na kuro nila Jane at Angela
Habang siya ay tahimik lang na nakatingin sa paligid at nakadama ng matinding galit at kalungkutan sa kanilang nakita
"Parang ginawang kaingin ang kagubatan,"ani ni Jane,"Wala na ang puno at halos kalbo na ang kagubatan,"
"Anong nangyari?,"napaupo nalang si Angela dahil sa panghihina
Nakita nila na sunog ang gabutan na nasa harapan nila, umuusok usok pa ang ilang katawan ng punong kahoy, kitang kita na nila ang ibabang pamayanan kung saan sila nakatira
Naaamoy pa nila ang mga naiwang sunog na kahoy, damo at mga patay na hayop na nasa paligid nila
"Tara na,"yaya niya,"Kailangan na natin makauwi at malapit ng dumilim,"sabay lakad ng mabilis, hindi na maipinta ang kanyang awra dahil sa tindi ng nararamdaman niyang galit at awa sa mga namatay doon
Napapailing nalang sina Jane at Angela ng makita ang mga nagkalat na katawan ng mga hayop na nasunog doon, may mga maliliit pang hayop ang nadamay, ang ilan ay buntis at ang ilan ay mga bagong panganak na mga hayop na madalas nilang nakikita sa tuwing nagpupunta sila doon para maghanap ng mga halamang gamot
Ang kanilang paglalakad ng mabilis ay naging takbo na pababa ng kabundukan, dahil gusto na nila malaman kung ano ang nangyari sa Baryo sa ibaba ng kabundukan at sa kanilang mga naiwang kasama at kaanak
Habang pababa sila ay nakikita din nila ang mga bangkay ng aswang na nasunog,mga katawan ng tao na wakwak ang tiyan at hiwa hiwalay ang ilang parte ng katawan
May mga batang nakasabit pa sa puno, mga ulo na nakatusok pa sa mga sanga ng kahoy na pinatulisan
Halos maduwal sila sa kanilang nakikita habang tumatakbo pababa, naiiyak na din si Jane dahil sa ngayon lang din siya nakakita ng mga ganoong senaryo sa tanang buhay niya at samga nakakadiring bagay
Ulang sandali pa ang nakalipas ay nakababa na din sila ng kabundukan, hindi na nila namalayan na napabilis ang kanilang pagbaba dahil hindi na nila alintana ang nasa paligid nila, basta ang nasa isip lang nila ay makarating kaagad sa bahay
Ang kanilang pagtakbo ay bumagal ng bumagal, naging paglalakad nalang hanggang sa napahinto na sila mismo sa kalsada
Inilibot nila ang kanilang paningin, dahil sa may kakaunti pang sikat ng ng araw ay nakita nila ang buong kapaligiran ng kanilang Baryo
Kalat sa paligid at kalsada ang mga bangkay at patay na katawan ng tao at maging ng hayop, nangangamoy at nilalangaw na din ang mga iyon, napapatakip nalang sila ng ilong at napapaduwal nalang dahil sa kanilang nakikita
Ang bawat kabahayan ay saradong sarado, wala ni isa ang nakabukas, napakatahimik ng buong Baryo na tila naging sementeryo na sa sobrang tahimik,sira ang bawat poste ng ilaw, walang kuryente bukod sa mga ilawang gasera o kandila na nakasindi sa loob ng bawat kabahayan
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HorrorNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...