-----•••••-----•••••-----•••••-----
°°°Chapter 56°°°
Alas kuwatro ng Hapon
"Heto ang kubo mo ate?,"tanong ni Nica sa kanya habang hinahanap niya ang susi ng kandado sa mga paso ng halaman,"Diyan lang pala nakatago ang susi mo ate?,"
"Oo bakit?,"takang tanong niya
"Eh hinahanap din ni Lolo ang susi para malinisan ang kubo pero hindi niya makita,"paliwanag nito na ikinatawa lang niya
"Ako lang kasi ang nakakaalam kung saan nakalagay ang susi,"sagot niya bago tuluyang nabuksan ang may katamtamang laki ng kubo na nasa likurang bahagi ng kanilang bahay
"Wow,"bulalas ni Nica ng makapasok sila sa loob,"Ang ganda at ang daming pangontra sa mga aswang, at mga gamot na ginagamit sa pangontra sa kulam at iba pa,"
Natatawa na lang na naiiling si Vleane dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang kapatid
Sa loob ng kubo ay makikita ang isang aparador kung saan nakalagay ang mga bote o garapon na may mga lamang ibat ibang uri ng halamang gamot, mga langis na may mga nakababad na ugat sa loob at bulaklak, may mga ibat ibang uri at kulay ng langis ang nakita ni Veronica
Hinawakan at inamoy amoy pa nitoang bawat isa, pansin din
niya na ibat iba ang amoy niyon, may napakabango, may napaka baho, mayroon walang amoy at may katamtaman naman ang bango at bahoNapapabahing pa ito habang ginagawa iyon kaya natatawa nalang siya sa kanyang kapatid, may mga asin na nandoon, bawang, may abo, mga pinatuyo at dinurog na mga pinagsama samang halamang gamot at pinatuyong pulang luya napangontra sa aswang
"Ate saan galing itong pulang luya?,"sabay hawak sa lagayan nito,"May pulang luya ba? Ang pagkakaalam ko ay wala,"
"Kakaibang uri ng luya iyan,"ani niya dito,"Tuwing mahal na araw lang tumutubo ang luya halos isang linggo lang at kapag hindi nakuha ang bunga ng kuya ay matutuyot kaagad iyon at mawawala kinabukasan mismo, araw ng Sabaso, kaya dapat Biyernes Santo ay makuha na kaagad iyan,"mahaba niyang paliwanag dito
"Ikaw ba ang kumuha nito?,"takang tanong niya
"Hindi,"tugon niya,"Binigay lang sa akin iyan ng isang matanda matapos ko siyang matulungan sa gubat, naghahanap kasi ako noon ng mga pangontra sa aswang,"
"Aahh,"napatango nitong sagot bago iniwanan ang aparador na iyon at tumingin tingin pa sa paligid, habang siya ay pumasok sa nag iisang silid ng kubong iyon
Nakita nito ang mga kasabit sa dingdingna ibat ibang uri ng pangontra at panlaban sa aswang,
"Ang dami naman nitong pangontra mo ate,"ani nito sabay tingin sa bawat isa
May mga buntot ng pagi, binsol ng pagi o iyong tinik sa buntot ng pagi na inalis at ginawang patalim, may mga gulok, tabak at habak, may tansong patalim at ang isang malapad at kakaibang sandata na baliktad ang talim
"Bakit kakaiba ito ate at baliktadang talim?,"takang tanong niya,"Panlaban din ba ito?,"
"Oo,"tugon niya na lumabas buhat sa silid na pinasok nito kani kanina lang,"Kagaya din iyan ng buntoy ng pagi, hindi naghihilom ang sugat ng sinumang aswang na matataga niyan, gawa iyan sa pangil at ngipin ng pating at binsol ng buntot ng pagi,"
"Ha? Paano?,"takang tanong nito
Hinawakan niya iyon, ang hawakan noon ay yari sa makapal at matibay na kahoy pero himalang napaka gaan niyon kung hawakan at dalhin
"Ang gaan naman nito, kahit makapal ang pagkakayari ng talim at ng hawakan,"bulalas nito ng ibigay sa kanya iyon ni Vleane,"Paano nga nabuo at nagawa ito ha, ate?,"
"Giniling ang ngipin at pangil ng pating kasama ang binsol ng pagi, bago inihalo sa tinunaw na pilak at tanso na ginagawang patalim,tapos ayan binuo nila pero baliktad ang talim, pero napakatalas niyan lalo na kung aalagaan sa paghasa,"
Tinitigang maiigi ni Nica ang talim niyon, kumikinang iyon at napakanipis na kagaya ng sa papel
"Nakakatakot naman ang talim nito, ate,"sabay balik sa kanya kaua isinuksok nalang niya iyon sa pinagkuhaan kasama ang ilang mga pangontra at panlaban
"Nakakatakot para sa mga aswang,"ani niya,"Pero hindi ka naman aswang eh,"
"Kahit na,"ani niya,"Saka kung susugurin tayo ng mga aswang, dito tayo magtatago kasi mas ligtas dito sa dami ba naman ng pangontra ay sandata eh,"
Nakita kasi nitong may mga baging na may tinik ang naka design sa likurang bahagi ng pintuan, may mga bawang at asin na nakasabit sa dalawang malaking bintana, may mga sanga din ng kalamansi, mga makabuhay dalanghita namay tinik at higit sa lahat ay bagakay na nakasiksik din sa dingding ng kubo
Tumingala din siya at doon may mga buho na pinatulis at nakatutok paitas para kung pasukin at sirain ang bubkng na gawa sa pawid ay hindi sila basta basta makakapasok dahil iyon kaagad ang bubungad sa kanila
Magsasalita pa sana si Vleane ng madinig niyang tumunog ang cellphone ng kanyang kapatid
"Si loverboy mo?,"pang aasar niya habang nakangiti, hindi umimik si Veronica at inirapan lang siya
"Sandali lang ate, at sasagutin ko lang itong tawag,"paalam nito sa kanya kahit na nakairap iyon sa kanya, kaya natawa nalang siya
Lumabas ng kubo si Veronica, tinungo ang di kalayuan para sagutina ng tawag na iyon, hindi niya hahayaang madinig ng kanyang ate Vleane kung sino ang kausap niya
"Hello, Ate Gela,"bungad na bati niya ng makitang si Sister Angela ang tumatawag sa kanya
["Hello, Nica, kamusta?"]
"Ayos lang naman po ate Gel,"tugon niya,"Kayo kamusta naman? Kailan kayo pupunta dito?,"tanong niya
["Ayos lang din naman,"tugon nito sa kanya,"Sa linggo na ang biyahe namin papunta diyan, kasi noong isang araw lang kami pinayagan."]
"Mabuti naman po at makakapunta na kayo dito,"tuwang tuwang tugon niya,"Kasama ba sila kuya Lucas?,"
["Oo, atat na atat na nga eh,"sagot nito sabay tawa,"Nga pala kamusta si Vleane, kailan pa siya nakauwi?,"]
"Atat na makita si ate,"sabay tawa niya,"Hayun noong isang araw lang naka uwi, halos limang araw na nasa galaan at nakipagbakbakan sa mga aswang na nakakasalubong niya, buti may mga tumulong na nagpatira sa kanya, inihatid siya dito sa amin, ah basta ate madami ako ikukwento sayo,"sabay bungisngis
["Hala, grabe naman ang tagal ng ibiniyahe niya pauwi diyan,"natatawang ani niyo,"Lapitin talaga siya ng mga aswang eh, ahahahaha,"]
"Sabi mo pa ate,"pagsang ayon niya sa kausap,"Tuloy na ba talaga kayo sa linggo?,"
["Oo, saka baka hindi na ako babalik dito, baka diyan na ako magpalipat, na mimiss ko kasi si Vleane eh,"tugon nito,"Saka mga isang buwan iyong mga kasama ko diyan, ayos lang ba sa inyo?,"]
"Oo naman te,"tugon niya at marami pa silang napag usapan bago sila nagpaalam sa isat isa, nakangiti siya ng malapad ng bumalik sa kubo
"Ang saya natin ah,"puno ni Vleane,"Kayo na ba ni loverboy?,"tukso niya dito
"Hay naku, ate,"angal niya,"Magkaroon kana sana ng lovelife para hindi muna ako tinutukso tukso,"
Natawa nalang siya bago niyakap ang kapatid, miss na miss na niya ito kaya hindi na siya papayag na mapawalay pa dito gayundin sa kanilang Lolo Ernie na may katandaan na din
"Tara na sa bahay,"yaya niya dito,"Hapon na at kailangan na natin maghanda ng hapunan, baka mamaya may bisita ulit tayo,"sabay ngisi nito sa kanya
Kaya alam na niya ang ibig ipahiwatig ng kanyang ate Vleane, kaya kailangan nilang maghanda
•
•
•
•
•
•
•
•
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HorrorNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...