-----•••••-----•••••-----•••••-----
°°°Chapter 15°°°
•••Third Person's POV•••
Napagalitan na naman si Regina ng kanyang Ina dahil sa uri ng kanyang pananamit, sermon na naman ang inabot niya sa kanyang ina ng umagang iyon
"Ano na naman ba yan, Regina?,"tanong ng kanyang Ina,"Lalabas ka ng bahay na ganyan na naman ang suot mo? Magdamit ka nga ng maayos, saka nagkalat ang mga aswang na naghahanap sa inyo,"
Nalukot na naman ang kanyang mukha, hindi nalang niya sinagot ang kanyang Ina, dahil paulet ulit nalang nila iyong pinagtatalunan kahit noon pa
"Pumunta ka muna sa palengke, bumili ng kakailanganin natin, basta mag iingat ka at umuwi ka kaagad,"bilin pa nito sa dalagita
Padabog nalang siyang lumabas ng bahay para pumunta sa computer shop para makapaglaro ng online games bago pumunta sa palengke dahil maaga pa naman ng mga sandaling iyon
Dahil simula pa noon bago pa mauso ang ML ay iyon na ang pinaka bisyo niya, isa siya sa mga babaing nahuhumaling sa larong ito na kadalasan ay sa mga kalalakihan lang makikita
Mahinhin at tila hindi makabasag pinggan si Regina kapag nasa loob siya ng kanilang bahay, pero kapag siya ay nasa labas ay nagbabago na ang kanyang pag uugali at kilos
Parang nagiging ibang tao n siya, hindi lang sa kilos kundi maging sa kanyang pananamit, kaya panay sermon sa kanya ng mga magulang na huwag gayahin ang mga pormahan ng mga babaing p*kp*k sa kanilang lugar dahil hindi ito magandang imahe para sa mga kababaihan
Kahit sa harap ng kanyang mga kaibigan at kaklase ay maldita din siya at mahilig mambully, pero kahit ganoon ay mabait siya sa kanyang mga kaibigan
At isa pa ay hindi din daw bagay sa kanya ang magdamit ng ganoon lalo na sa kanyang pangalang REGINA, dahil ang kanyang pangalan ay napaka disente para sa kanyang mga magulang
Kaya nga ito ang napiling pangalan ng mga iyon sa kanya dahil sa disente iyon pakinggan, dahil gusto ng mga ito na maging disente din siya
Iyon nga lang ay hindi mo na matuturuan ang isang bata lalo na kung lumaki na ito, ang napakagandang imahe para sa kanya ng kanyang mga magulang ay naging kabaliktaran
Naging pilya, maharot at naging malikot si Regina na siyang laging napupuna ng kanyang mga magulang
Matapos na makapaglaro si Regina sa computer shop sa loob ng tatlong oras ay pumunta na siya sa palengke para bilhin ang mga ibinilin ng kanyang Nanay
Sumakay siya ng jeep patungo ng palenge kasabay ng ilang kaba Baryo nila ng hapong iyon, nagmamadali na ang ilan dahil sa may last trip ang sakayan na pauwi sa kanila kaya kailangan niyang magmadali para makauwi kaagad at hindi maiwan ng last trip na jeep
"Ineng babalik ka ba kaagad?," tanong ng driver ng jeep na kababaryo din nila,"May kalahating oras nalang at aalis na ako,"ani pa nito
"Ah sige po,"tugon niya bago pumasok sa loob ng palengke, kailangan niyang magmadali para makauwi at makasakay sa jeep ng kababaryo nila
•
•
•
•
•
•
•
•
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HorrorNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...