-----•••••-----•••••-----•••••-----
°°°Chapter 105°°°
Matapos nilang makakain ay naglakad lakad na sila ni Eniah at hinanap ang kanilang mga kasama
"Mas buhay ang Merkado pagsapit ng gabi,"ani ni Eniah,"Kaya mas maganda nandito tayo sa labas mamaya,"
"Ha? Bakit anong mayroon sa gabi?,"takang tanong niya habang tumitingin tingin ng mga pulseras
"Basta, kaya kailangan na natin makauwi para makapagpahinga,"sabi lang nito sa kanya,"Mas kailangan natin ng lakas ng katawan at isip para manalo sa labanan,"
"Gusto ko iyan,"napangisi nalang siya,"Paano ang mga kasama natin?,"
"Malamang pauwi na din ang mga iyon, kaya tara na ok?,"sabay hila sa kanya ni Eniah kaya sumunod nalang siya sa diwata
Pansin niya na ang ilang mga nagtitinda malapit sa gilid ng kalsada, sa Plaza ay mga nagsisipagligpitan na ng kani kanilang mga paninda, habang ang ilan naman na may pwesto ay ipinapasok na sa loob ang bawat paninda ng mga iyon
Ang mga naninirahan naman ay nagmamadali na ding makauwi, akay akay ang kani kanilang mga anak na nagmamadaling maglakad o tumatakbo na din ang ilan
"Anong mayroon?,"takang tanong niya sa sarili
"Malalaman ninyo mamaya paglabas natin,"tugon ni Eniah kaya nagkibit balikat nalang siya habang nagpapadala sa paghila nito sa kanya
Pagdating nga nila sa bahay ay nandoon na ang mga kasama nila at silang dalawa na ang huling dumating
"Anong nangyari?,"bungad na tanong kaagad ni Edinah sa kakambal,"Usap usapan ang nangyari kay Heneral Osmur ah,"
Tinignan lamang siya ni Eniah pero nagkibit balikta lang siya bago hinubad ang suot na sapatos at dumiretso na kaagad sa banyo para maligo
"Napaaway kami, este siya lang pala,"tugon ni Eniah bago ikinuwento ang buong nangyari sa Plaza
"Wow ang astig!,"bulalas naman ni Prinsesa Eayah,"Ang galing talaga makipaglaban ng Babaylan,"
"Tapos ayon ginawang alipin nog magkapatid na sigbin si Osmur,"ani niya sabay bugtong hininga
"Matagal na ding salot iyang si Osmur,"ani ni Reyna Ceres,"Mabuti at nakahanap na siya ng katapat niya, matapang lang naman iyon lalo na kung alam nitong wala sa Merkado ang Prinsipe at ang Hari,"
"Kaya nga po, Ina,"pagsang ayon ni Eayah,"Saka matagal na niyang ginugulo ang magkapatid na sigbin, buti nga sa kanya, baka kung nandoon ako baka nag tuwang tuwa ako,"sabay tawa, kaya napapailing nalang sila sa asal ng mga ito
"Anong plano natin?,"tanong ni Angela na naghahandana ng hapunan,
"Hintayin natin ang hudyat para makalabas tayo,"ani ni Reyna Ceres,"May gong na tutunog, hudyat na para lumabas na ang mga nilalang sa Merkado na tuwing gabi lang gumagala,"
"Baka mapalaban na naman tayo,"nag aalalamg sabi ni Jane,"Hindi natun kabisado ang mga nilalang dito lalo pa at sama sama na sila dito,"
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HororNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...