Chapter 18

831 42 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 18°°°

•••Third Person's POV•••

Hanggang sa isang araw nga ay nakakuha nga ng tyempo si Regina para tumakas sa kamay ni Ronelio, mabilis siyang nagbihis ng damit kahit na mas malaki iyon sa kanya, dahil sa wala na siyang pakialam basta ang mahalaga sa kanya ay ang makawala at makatakas doon

Halos mag iisang buwan na siyang nakakulong sa kwarto ni Ronelio at gabi gabi o oras oras ay nakikipagtalik ito sa kanya na nasa anyong aswang

Mabilis siyang tumakbo papalabas ng silid, oalinga linga sa buong bahay kung nasa paligid lang sila Ronelio

Nang makasiguradong wala ngang mga bantay sa loob ay kaagad siyang tumakbo papunta sa pintuan, dahan dahan niyang binuksan iyon at sumilip sa labas

"Bakit ang tahimik?," tanong niya sa kanyang sarili,"Nasaa na ang mga aswang at si Ronelio nagpunta? Pero ayos lang ang mahalaga ay makatakas ako sa impyernong lugar na ito," kaagd siyang tumakbo papalabas ng bahay at palinga linga bago tinalunton ang daanan palabas

Takbo siya ng takbo, wala n siyang pakialam kung magkasugat sugat ang buo niyang katawan, wala siyang pakialam kung ano man ang madaanan at maapakan ang mahalaga sa kanya ay makatakas at makauwi sa kanyang mga magulang

Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siya tumatakbo papalabas ng kagubatan hanggang sa makarating siya sa kalsada, kaagad niyang pinara ang nakitang tricycle

"Kuya, pakihatid po ako sa Baryo San Gabriel, please,"pakiusap niya na palinga linga sa paligid

"Sakay na, Miss,"tugon nito kaya napangiti siya, kaagad aiyang pumasok sa loob at nakahinga ng maluwag ng umalis na ito doon,"Ano ba ang ginagawa mo sa lugar na iyon? Di mo ba alam na napaka delikado doon?,"

Umiling lang siya bilang sagot sa tricycle driver, umiiyak siya at yakap ang sarili

"Buti nakalabas kapa ng buhay doon?," tanong pa nito, hindi pa din siya sumasagot, basta lang siya umiyak ng umiyak habang hawak ang tiyan niya

Nagdarasal siya na sana ay hindi magbunga ang karahasang ginawa sa kanya ni Ronelio, dahil hindi niya alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kanyang mga magulang

Ilang sandali pa ang nakalipas ay huminto ang tricycle sa tapat mismo ng kanilang bahay

"Sandali lang po, Kuya ha?," ani niya sabay labas ng tricycle, napatango nalang ang lalake ng pumasok sa loob ang dalagita

Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas iyon na umiiyak habang inaabot sa lalake ang bayad

"Heto po, salamat,"sabay abot ng isang daang piso,"Salamat po,"sabay talikod ni Regina

Habang nasa loob naman ng bahay si Regina, nakita siya ng kanyang mga magulang, gulat, pagtataka at higit sa lahat ay pagkamangha

Dahil halos isang buwan na nawala si Regina kaya hindi nila alam kung nasaan ito nagpunta o napadpad

"Anong nangyari anak?," takang tanong ni Aling Rosita sabay yakap sa anak,"Nag alala kami sayo, ano bang nangyari?,"

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon