-----•••••-----•••••-----•••••-----
°°°Chapter 78°°°
Dalawang araw ang lumipas
Tanghali ng magkaroon ng malay si Vleane, dahil sa tinamong mga sugat at pagod sa pakikipaglaban kaya halos dalawang araw na nakatulog siya
Kaya ngayon pananghalian ay lumabas siya ng kanyang kwarto dahil nakaramdam na siya ng gutom at naiinitan na siya
"Good afternoon sa inyong lahat,"mahina niyang bati sabay ngiti ng tipid
"Vleane!,"bulalas nila ng makita siyang nakatayo
"Hi,"bati niya sabay diretso sa banyo para makapaghilamos at makapag ayos ng sarili, tinalikuran na niya ang mga ito, pumasok na agad siya bago inayos ang sarili
Ilang sandali pa ay lumabas na siya mula sa banyo habang pinupunasan ang mukha dahil puro tubig pa iyon
"Upo kana,"yaya ni Angela, bago pa makakilos ang dalaga ay naunahan na ito ni Lucas na tumayo
Inalalayan na ni Lucas ang dalaga sa pag upo, kaya todo kantiyawan ang natanggap nila, napangiti nalang siya ng pilit habang nasa bewang at braso pa niya ang braso ni Lucas
"Salamat,"ani niya
"Wow, sana all may sakit,"bulong ni Jorie,"Para sana all inaalalayan,"sabay ismid ng magkatinginan silang dalawa ng dalaga
"Inggit ka, te?,"pambabara ni Jane sa kaytabi,"Hanap ka din ng lalaking seseryusuhin ka at mamahalin, hindi iyong mang aagaw ka at ipipilit mo ang sarili mo sa isnag taong ayaw sayo,"
"Gusto mong busalan kita?,"inis na sabi ni Jorie,"Pakialamera ka talaga at epal,"
"Mas epal ka at isa kang linta,"dagdag ni Jane
"Mga bata,"saway ni Lolo Ernie,"Kumain na tayo,"saway nito sa dalawa
Kaya naman ay tahimik na silang nag almusal, hindi nalang kumibo si Vleane habang kumakain, dahil nga sa gutom siya kaya ang pagkain nalang ang kanyang pinagbalingan
"Nga pala, Vleane,"ani ni Calvin,"Ano iyong Kalibunan at Gabunan?,"
Tinitigan niya ang mga kasama na halatang naghihintay ng kanyang kasagutan, kaya napabuga nalang siya ng hininga
"Ang Kalibunan at Gabunan ay mula sa iisang lahi,"panimula niya,"Nagmula ang lahing Gabunan sa lahing Kalibunan,"
"Teka apo,"awat ni Lolo Ernie,"Nakasagupa kayo ng Kalibunan at Gabunan?,"
"Opo, Lo, bakit?,"tanong niya sa katabi
"Sa pagkakaalala ko matagal ng walang lahing Kalibunan at Gabunan,"ani nito,"Sa pagkakaalam mo ko din ay pinatay at natalo na sila ng isang Babayalan, bata pa ako noon at kitang kita ko kung paano sunugin ang kanilang Baryo, lahat sila ay namatay, kaya paanong nagkaroon pa sila ng ganyang lahi ngayon?,"
"Hindi ko po alam, Lo,"ani niya,"Tanging mga Gabunan lang po ang nakalaban ko, iyong mga Kalibunan po ay umatras, tinignan lang po kami,"
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 1
HororNang dahil sa mga kampon ng kadiliman ay naging magkakaibigan ang dalawang taong magkaiba ang paniniwala pagdating sa mga kababalaghan Ang isa ay lumaki sa siyudad at naging isang alagad ng batas, na hindi naniniwala sa mga kababalaghan Habang ang i...