Prologue

984 45 0
                                    

Ramdam ko ang mainit na likidong natapon sa damit ko habang naglalakad sa may kahabaan ng Mariposa St.

"I'm sorry, miss!" alalang sabi naman ng salarin na ngayo'y aligaga na naghahanap ng kung anong gamit sa bag niya para ipunas sa damit ko.

Sa totoo lang, hindi naman nakakalapnos ng balat ang init ng kape pero kulay brown na ngayon ang puti kong blouse na siyang ikinainis ko.

"Hindi ka kasi tumitingin sa nilalakaran mo." pataray kong sabi habang tinitingnan siya na hindi pa rin mapakali. Nakita kong nakahugot siya ng bimpo at akmang ipupunas sa akin pero pinigilan ko siya.

"What do you think you're doing?" tanong ko. Nag-angat naman siya ng tingin. Tantsa ko ay nasa early twenties lang siya at may hindi kahabaang bangs na tumatakip sa kanyang noo. Mas maliit siya ng kaunti sa'kin.

"Lilinisin ko lang sana ang damit mo, miss. Pasensiya na talaga. Natisod kasi ako sa may bakal." paghingi niya ulit ng paumanhin.

May pupuntahan pa naman sana akong mahalaga pero sa lagay ng suot ko ay mukhang hindi na 'yon matutuloy.

"If you're thinking na I'll let you touch me, nagkakamali ka." sagot ko at saka binitiwan ang braso niya.

"Pasensiya na ulit, miss. Kung gusto mo, ipapalaba ko na lang ang damit mo." alok niya habang nakangiti na akala mo'y nagmamakaawang tanggapin ko ang sinabi niya.

"No. Wala akong ibang suot sa ilalim nito." turo ko sa blouse ko. Nakita kong nag-iisip siya ulit. Maya maya, tinanggal niya ang suot niyang jacket at iniaabot sa akin.

"Ito na lang. Please, 'wag ka nang tumanggi. Wala na kasi talaga akong maisip na way para makabawi eh." inilapit niya pa ito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at padabog na hinablot ang jacket at isinuot ito. In fairness, mabango naman.

"Again, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadyang matapunan ka ng kape ko. Kung magkataon na magkita tayo ulit, I'll make sure na babawi ako ulit." nakangiti niyang sabi at hindi na ako hinintay na makapagsalita.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now