Chapter XIV | "O" for Oh, my God!

177 22 41
                                    

PAGTATATWA/DISCLAIMER

Ang mga sumusunod na paksa ay purong kathang-isip lamang ng may akda. Ang mga pangalan, karakter, lugar, o mga pangyayari ay base lamang sa imahinasiyon. Anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay man o patay, mga establisyimento ng negosyo, mga kaganapan, o mga lokal, ay pawang nagkataon lamang.

•••

Magalang, Pampanga, Las Felipinas

•| 16 de Diciembre de 1816 - Lunes |•

Matapos ang naganap noong kaarawan ni Jane ay hindi na ako nagbanggit pa ng kahit ano sa kanya. Umiwas ako at nanatiling may distansiya sa pagitan naming dalawa.

"Bakit sa tuwing ika'y aking kasama, tila ako'y nagkakaroon ng kaguluhan sa aking isipan. Animo'y may mga hayup na nais kumawala sa aking tiyan, at nagbabadya ng unos na umaabot sa aking puso?"

Saglit pa kaming nagkatitigan at saka siya nagsalita.

"Tama ba 'yong narinig ko?" tanong niya nang walang kurap kurap.

"Isa iyong awitin! Hindi mo ba nababatid ang mga liriko ng awiting iyon?" pagtatatwa ko sa aking sinabi.

"Ah, gano'n ba? Akala ko kasi-"

"Mauuna na ako sa bahay. Manatili ka rito kung nais mo." agad akong tumayo at lumakad mag-isa pauwi. Sa daan pabalik, hindi ako nakarinig ng mga yapak na sumusunod kaya naman lalo akong nanlumo sa aking nagawa.

Lubos akong nagugulumihanan sa mga nangyari kaya ko iyon nagawa. Ngunit may parte sa aking isipan na nais humingi ng paumanhin sa kaniya ukol sa aking inasal. Sa mga panahong iyon ay halos araw-arawin na ni Felipe ang kaniyang pagdalaw at pagbibigay ng mga regalo para sa akin. Pinilit kong ibaling ang naguguluhan kong damdamin para kay Jane sa kaniya.

Hindi naman ako nabigo dahil nagsimula na akong magkaroon ng paunti-unting pagtingin sa ginoo. Kung ano ang ipinapakita niya noong una ay siya pa ring ipinapakita niya hanggang ngayon. Napakabait at maginoo niya. Maraming pagkakataon rin na napatatawa niya ako sa kaniyang mga biro.

Napapadalas naman ang pagkawala ni Jane kaya naman isang araw ay hindi ko na natiis at sinundan siya. Nagpunta siya sa likod ng aming hacienda sa may puno ng Acacia kung saan kami huling nag-usap. Inilabas niya ang kaniyang telepono at saka kinalikot ito.

"Juliana!" tawag ni mamá sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran.

"Halina't saluhan mo kami ni Ginoong Felipe sa merienda." alok niya at ipinaalam ko na susunod na ako maya maya.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Jane ay wala na ito sa kinatatayuan niya. Imposible dahil wala nang ibang daan palabas doon kundi ang daanan kung saan ako nakatayo. Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid ngunit wala na siya roon. Laking pagtataka kong pinuntahan ang lugar at saka nag-usisa.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala talaga akong nakitang bakas ni Jane.

Saan nagtungo ang babaeng iyon?

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso sapagkat naisip ko na baka bumalik na siya sa kaniyang pinagmulan. Baka hindi ko na siya muli pang makita.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now