Chapter XVII | Anew

151 15 52
                                    

PAGTATATWA/DISCLAIMER

Ang mga sumusunod na paksa ay purong kathang-isip lamang ng may akda. Ang mga pangalan, karakter, lugar, o mga pangyayari ay base lamang sa imahinasiyon. Anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay man o patay, mga establisyimento ng negosyo, mga kaganapan, o mga lokal, ay pawang nagkataon lamang.

•••

Magalang, Pampanga, Las Felipinas

•| 13 de Febrero de 1818 - Viernes |•

Isang taon makalipas ang huli naming pagkikita ni Jane, ay itinakda na namin ni Felipe ang aming kasal sa darating na Mayo. Hindi na ako umasa pa na babalikan niya ako kaya naman nagpasiya ako na limutin siya at bigyan ang aking sarili ng pagkakataon na lumigaya.

Ngunit sino ba ang aking nililinlang? Hindi ko naman talaga kayang limutin ang babaeng iyon.

Ikaila ko man, itatatwa rin ako ng aking sarili sapagkat, malalim man ang sugat na iniwan niya sa akin ay mayroon pa rin siyang lugar sa aking puso. Hinding-hindi iyon mawawala.

Ngunit gaya nga ng sinabi ni mamá, sana ay pag-isipan ko ng maigi ang aking mga gagawing desisyon. Ginawa ko naman kaya't naririto kami ngayon sa harap ng aming mga magulang at malugod na ipinamahagi sa lahat ang aming darating na kasal.

"Tunay ba ito, anak?" nagagalak na tanong ng Gobernador at saka kinamayan si Felipe.

"Opo, papá. Pumayag na po ang aking minamahal na si Juliana." tugon niya.

"Tutal naman ay namanhikan na kayo noon, malugod rin naming ibinibigay ang aming basbas ng iyong mamá, Juliana. Tunay na kasiya-siya ang balitang ito." pahayag naman ni papá at saka niyakap ako.

Nagkaroon ng maliit na salu-salo sa aming tahanan na dinaluhan naman ng iilang mga kaibigan at mga kamag-anak.

"Masaya ka ba, mahal ko?" tanong ni Felipe nang makalapit siya sa aking kinauupuan. Tumango naman ako at kapansin-pansin ang saya sa kaniyang mukha.

"Maaari ba tayong lumabas panandalian? Mayroon akong nais na ibigay sa iyo." tanong niya na pinaunlakan ko naman. Nagtungo kami sa ibaba kung saan walang tao. Naroon lahat sa loob at nagsasaya.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinagkan ang mga iyon.

"Felipe! Baka may makakita sa atin. Tayo'y hindi pa kasal!" singhal ko sa kaniya na siya naman ikinalapad ng kaniyang ngiti.

"Naniguro muna ako na walang tao, huwag nang mag-alala, mahal ko." panigurado niya. Iginala ko pa rin ang aking paningin at pagbalik ng aking paningin sa kaniya ay agad akong napaatras. Nakita ko ang wangis ni Jane.

"Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?" alalang tanong niya na inilingan ko naman.

"Wala iyon." sagot ko.

"Sigurado ka ba?" pag-uulit niya.

"Oo. Huwag mo nang isipin iyon. Ano nga pala ang ibibigay mo na dahilan ng pagyaya mo sa akin rito sa labas." pag-iiba ko ng paksa.

Inilabas niya mula sa kaniyang likuran ang isang pamilyar na bagay.

Ang iniregalo ko kay Jane noong kaniyang kaarawan!

"Saan mo nakuha iyan?" tanong ko sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo.

"Anong ibig mong sabihin? Ipinasadya ko ito." pahayag niya. Kinuha ko naman ang bola sa kaniya at sinuri. Hindi ako maaaring magkamali. Ito nga iyon. Tandang tanda ko pa ang mga detalye.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now