Chapter XXII | From Another Perspective

120 8 59
                                    

PAGTATATWA/DISCLAIMER

Ang mga sumusunod na paksa ay purong kathang-isip lamang ng may akda. Ang mga pangalan, karakter, lugar, o mga pangyayari ay base lamang sa imahinasiyon. Anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay man o patay, mga establisyimento ng negosyo, mga kaganapan, o mga lokal, ay pawang nagkataon lamang.

•••

Magalang, Pampanga, Las Felipinas

•| 01 de Noviembre de 1816 - Viernes |•


Para akong masisiraan ng bait sa mga nangyayari ngayon. Prank ba 'to ni Jea? I mean, mayaman siya at kaya niyang gawing posible 'to. Napailing naman ako sa naisip ko dahil sino ba ako para gastusan niya ng ganitong kamahal na 'prank'.

Pero kung hindi ako kilala ng babaeng 'to, ibig bang sabihin no'n na hindi siya si Jea? Pero magkamukhang magkamukha sila at parehong pareho pa ng boses. Lumang Jea nga lang 'to.

"'Wag mo nang isipin 'yon. Mali ako. Tawagin mo na lang akong Jane." sabi ko at saka ko inilahad ang palad ko na para bang nakikipagkilala pero hindi niya inabot ang kamay ko. Napansin ko na tutok na tutok siya sa damit ko. Juice colored! Bakit ba kasi hindi nag a adjust ang damit ko kapag nangyayari 'to sa akin?

Maya maya pa, nagsalita na rin siya pero gaya ng inaasahan ko, nagtanong siya tungkol sa suot ko.

"Kung hindi mo mamarapatin, maaari ko bang malaman kung saan yari ang iyong kasuotan?" hindi nga siya nagbibiro, nasa ibang panahon nga ako. Bigla naman akong hindi nakapagsalita dahil hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag na galing ako sa future. Sinubukan kong ibahin ang usapan.

"Oo nga pala. Pwede ba akong makahiram ng damit mo?" tanong ko, as if naman na pahihiramin ka niyan ng damit, Jane. Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi maaari. Sumama ka sa akin, ipahuhuli kita sa aming guwardiya. Hindi ka dapat naririto." matigas na sabi niya saka ako hinila papunta sa bahay nila pero pinigilan ko siya at saka ako nagmakaawa. Ayaw kong mamatay dito, 'no.

"Sorry na. Oo na, sasabihin ko na kung saan galing ang damit ko. 'wag mo lang akong ipapahuli, please." sabi ko with matching teary eyes pa. Baka gumana.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para bumalik sa madilim na parte ng bakuran nila. Natatakot ako na baka may makakita sa akin. Bigla ko namang naalala 'yong dalawang lalaki kanina. Sana walang maniwala sa kanila kung sakaling i chika nila 'yon sa iba.

"Naghihintay ako." parang inis niyang sabi.

Naguguluhan ako dahil hindi ko pa rin alam kung sino ba ang babae na 'to. Nakikita ko si Jea sa kaniya, walang duda, pero ibang iba ang ugali niya sa Jea na kilala ko. Ang ganda ng suot niyang Filipiniana, bagay na bagay sa kanya.

"Ang ganda mo talaga." hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko at tingin ko ay narinig niya.

"Matagal mo na ba akong sinusundan?" mataray na tanong niya.

"Hindi! Hindi!" tanggi ko.

Napaismid na lang ako. Ikaw nga 'tong sumusunod sa akin.

"Ako si Jane Francine de Leon. Nanggaling ako sa malayong lugar, at itong suot ko, ito ay-" natigilan ako kasi hindi ko makuha kung ano ang tamang salita na sasabihin ko na hindi makakapag trigger sa kanya para ipahuli ako. Sa totoo lang, sa itsura niya pa lang ngayon, feeling ko, hindi niya ako pinaniniwalaan.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now