CHAPTER XXIX | See You Again

71 9 41
                                    

Ilang araw rin kaming nasa laot ni Alunsina at buti na lang ay may mga pagkaing inilagay sina Haran dito sa may bangka kaya kahit papa'no ay hindi kami nagugutom.

Naghilom na ang mga sugat niya, pero makikita pa rin ang mga pasa sa katawan niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang mga 'yon, sinisisi ko rin ang sarili ko dahil kung hindi ko sana siya hinayaang akuin ang kasalanan ko ay hindi mangyayari sa kanya ito.

"Jane.." tawag niya sa akin dahil napansin niyang ang tahimik ko. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"May bumabagabag ba sa iyong isipan?" tanong niya, halatang nag-aalala.

"Nagsisisi ka ba na sumama ka sa akin?" nahihiyang tanong ko, inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito saka siya umiling.

"Bago ka dumating sa aking buhay, hindi ko alintana ang pag-iisa. Ngunit nang ika'y aking makilala, nahirapan na akong isipin kung paano ako mabubuhay kung mawawala ka." sincere na sabi niya at inilagay ang kamay ko sa may pisngi niya.

"Kaya kung ang nais mong marinig ay kung mayroon akong pinagsisisihan, ang sagot ko ay oo. Pinagsisisihan kong hindi ko pa ito ginawa noong una kitang nakilala." parang sasabog sa saya ang dibdib ko sa mga sinabi niya.

"Bakit tila wala kang imik?" tanong niya, hindi ko na mapigilan ang hindi maluha.

"Paano kung sabihin ko sayo na maraming mga hadlang ang darating? Hindi sa lahat nang pagkakataon ay makakasama mo ako." nag-iba ang reaksyon niya, parang naguguluhan.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Hindi ba't batid mo nang nagmula ako sa malayong kinabukasan?" hindi siya sumagot, dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya para hindi kami tumaob, at niyakap ko siya mula sa likod.

"Batid mo rin na umaalis at nakakabalik ako sa iba't ibang panahon, hindi ba?" tumango siya, lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayap ko sa kanya.

"Sa panahong pinagmulan ko, nakilala kita, mayroong pagbabago sa iyong kasuotan, wika, at pananamit ngunit taglay mo pa rin ang kagandahan na siyang bumighani sa akin," narinig kong humagikgik siya.

"..ang totoo niyan, bago pa man ako mapunta rito, nagmula ako sa panahon kung saan ika'y...nakatakdang makipag isang dibdib sa ibang tao." kumawala siya sa yakap ko at humarap sa akin.

"At bakit ko naman iyon gagawin?" gulat na sabi niya.

"Ako man ay naguguluhan ngunit, doon ko napagtanto na hindi mo ako makakasama sa lahat nang oras. Maaaring sa ibang panahon ay hindi mo na ako maaalala." malungkot na sagot ko, umiling iling siya at ibinalik ang sarili sa pwesto niya kanina. Napangiti naman ako.

"Walang kabuluhan ang iyong mga itinuran. Hinding hindi kita lilimutin, hindi rin ako magmamahal ng ibang tao." may halong pagtatampo sa boses niya, napabuntong hininga naman ako.

"Hindi natin batid kung ano nga ba ang mangyayari sa atin ngunit maaari ka bang mangako sa akin?" tanong ko, tumango naman siya.

"Ano ang kailangan kong ipangako?" kinuha ko ang pinky finger niya at ini-hook sa daliri ko.

"Sa pinanggalingan ko, ginagawa namin ito sa tuwing gagawa ka ng isang pangako." natawa naman siya pero hindi nagreklamo.

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang iyong sarili kahit na wala ako sa iyong tabi." seryosong sabi ko.

"Bakit nakararamdam ako ng nagbabadyang pamamaalam?" lumungkot naman ang boses niya.

"Basta't mangako ka." sagot ko, matagal tagal bago siya sumagot ng oo at naramdaman ko na ang bigat ng sitwasyon.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now