CHAPTER XXIV | Prophetic

110 9 38
                                    

Manila, Philippines

•| January 20, 1995 - Friday |•

Matapos ang nakaraang pangyayari nang ng nagdaang World Youth Day, ligtas naman lahat kaming nakabalik. Nag-suggest ako sa kanila na 'wag na kaming masyadong makipag siksikan sa mga tao no'ng araw na 'yon at buti naman ay pinakinggan nila ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng kamukhang kamukha ni Jea, o ni Juliana. Nasa:n na kaya siya?

"Sigurado ka ba na aalis ka na?" naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni papa. Nagpaalam na kasi ako sa kanila na babalik na na ako sa lugar namin, o sa kaso ko ngayon, sa panahon ko. Naging sila na ni mama after ng World Youth Day. Masayang masaya ako na kahit papa'no ay nakasama ko sila kahit na sandali lang, lalo na si papa. Kung may pagkakataon na makakabalik ako ulit rito sa panahong 'to, babalik ako ulit para lang makita si papa.

"Oo. Hahanapin ko muna ang papel ko sa mundong 'to." pagkukunwari ko naman pero pinaniwalaan nila.

"Mami-miss kita, Jane. Naging totoo kang kaibigan sa akin, pati na rin kay Jerico." naiiyak na paalam ni mama. Niyakap nila akong dalawa.

Habang distracted sila pakikipag-usap sa ibang youth sa simbahan, pasikreto ko namang nilagay sa bag ang damit na pinahiram sa akin ni Juliana. At inugali ko na rin na kapag lilipat ako ng ibang panahon ay ilalagay ko sa notes sa cellphone ko ang huling ginawa o sinabi ko sa naiwan kong petsa, para kapag bumalik ako, alam ko kung ano ang gagawin o sasabihin.

Nagpaalam na ako sa kanila at nagkunwaring sumakay papuntang pier, pero bumaba rin agad after kong makasiguro na hindi na ja ako nakikita. Nagtago lang ako sa may eskinita at saka sinuot ulit ang damit na pagkainit init at nag-concentrate kung saan ako huling nagpunta.

•••

Magalang, Pampanga, Las Felipinas

•| 02 de Noviembre de 1816 - Sábado |•

Napahawak naman ako agad sa ulo ko dahil ramdam ko ang matinding sakit ng paglipat ko. Tapos nang mag-usap si Juliana at ang papa niya. Nang makita kong wala na ang lalaki, dahan dahan na akong pumuwesto sa may likuran niya. Hindi naman ako nagkamali kasi kitang kita sa mga mata niya ang pagkagulat. Tinakpan ko agad ang bibig niya bago pa siya makasigaw.

Hindi nga siya sumigaw pero naapakan ko naman ang palda niya kaya ang ending ay pareho kaming natumba. Bigla niya naman akong tinulak ng malakas. Sobrang dumi na tuloy ng damit namin. Bakit kasi ang haba haba pa ng suot dati, akala mo naman umuulan ng snow rito.

"Ouch! Pwede mo naman akong sabihan ng maayos. Bakit may pagtulak pa?" reklamo ko naman at napahawak sa masakit kong bewang.

"Nararapat lamang iyan sa iyo. Ano'ng kahangalan ang naisipan mo at bigla ka na lamang sumusulpot sa aking likuran?" masungit na sabi niya pero maya maya lang ay nag-offer naman siyang tulungan akong tumayo. In fairness.

"Pahihiramin kitang muli ng bagong kasuotan ngunit kailangan mong labhan ang mga ito. Magtataka ang mamá kung makikita niya ang kasuotan na iyan sa lagayan kung hindi ko pa naman isinusuot. Maliwanag ba?" mabilis niyang sabi. Siyempre at wala naman akong choice kaya tumango na lang ako. Alangan namang magsuot ako modern clothes dito.

Nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali, parang si Jea talaga ang nakabungguan kong babae. Totoo kaya talaga ang reincarnation? Natigilan naman ako sa iniisip ko nang magsalita siya.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now