Chapter XXI | Again And Again

212 14 21
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this chapter are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

•••

Quezon City, Philippines

•| August 06, 2022 - Saturday |•

Nagising ako sa malakas na tunog ng pagkaskas ng siyanse sa kawali, at amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Nagsasangag siguro si mama. Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko nang mapabalikwas ako dahil naalala kong dito pala natulog si Jea.

Pagmulat ko ay bakita ko silang abala ni mama sa kusina. Tama nga ang hinala ko, nagsasangag ng kanin si mama, at si Jea naman ay binabalatan ang mga hotdog na ipi prito. Nagtama ang paningin naming dalawa at nginitian niya ako. Napansin ko na suot niya pa rin ang damit na pinahiram ko sa kanya kagabi.

"Good morning." bati niya. Napatingin na rin si mama sa akin at saka nagsalita.

"Jane, anak. Bumangon ka na diyan. Imbes na ikaw ang tumutulong sa akin, ang bisita mo pa ang kumikilos." patutsada niya saka nilingon ulit ang niluluto. Niligpit ko naman ang mga pinaghigaan ko at saka naghimalos na. Patapos na silang magluto nang lumabas ako sa banyo.

"Hindi ka lang pala mabait at maganda, hija. Marunong ka rin sa gawaing bahay. Naku! Nakakatuwa ka naman talaga." parang teenager na kinikilig 'tong si mama kung makapagsalita kay Jea. Imagine in niyo na lang 'yong itsura ng mga beteranang aktres noon kapag bumanat ng nakakakilig na linya ang mga leading man nila. Gano'n.

Ito namang si Jea, daig pa ang straw sa pagsipsip, 'e. Nagbabatuhan lang sila ng compliments. Sakto naman na lumabas ng kwarto ang kapatid kong si Jean. Takang taka siyang nakatitig sa mahiwagang babae na kaharutan ni mama sa kusina.

"Ate, nananaginip ba ako o may shooting ng commercial dito sa bahay natin para sa isang brand ng cooking oil?" tanong niya habang kinukusot ang mga mata niya.

"Si Jea 'yan. Kaibigan ko. Naabutan ng malakas na ulan kagabi kaya dito muna pinatuloy ni mama. Nakahanap yata ng bagong anak ang mama natin." paliwanag ko.

Lumapit na kami pareho at binati nila kaming dalawa. Ako na ang nagpresinta na maglagay ng mga pinggan, kutsara, at mga baso.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay Jea na ngayon ay inilalagay ang sinangag sa lagayan. Ang daming nilang niluto ni mama.

"Ate, baka matunaw." kantyaw ni Jean habang kumakain kaming apat. Nabilaukan naman ako at agad na inabutan ng tubig ni Jea.

Sinamaan ko siya ng tingin, pero sa loob loob ko, hiyang hiya ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko.

"Ma, ngayon ko lang po yata nakitang namula si ate ng gan'yan. Tingnan niyo parang kamatis. Aray!" kinurot ko siya sa singit sa ilalim ng lamesa.

Hindi rin naman magaling magtago ng sarili niya si Jea. Pulang pula na rin siya habang pinipigilang ngumiti.

"Jean, tigilan mo sila ate mo. Kumain ka na diyan." pabiro niyang bulyaw dito sa kutonglupa na 'to.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now