CHAPTER XXVII | Traveller

70 9 27
                                    

PAGTATATWA/DISCLAIMER

Ang mga sumusunod na paksa ay purong kathang-isip lamang ng may akda. Ang mga pangalan, karakter, lugar, o mga pangyayari ay base lamang sa imahinasiyon. Anumang pagkakahawig sa mga aktwal na tao, buhay man o patay, mga establisyimento ng negosyo, mga kaganapan, o mga lokal, ay pawang nagkataon lamang.

•••

Isla ng Suluan, Samar

•| Ika-16 ng Daghangbulan, 1521 |•

"Nauunawaan kita, pero kung ipipilit mo na wala akong dapat gawin upang mailigtas ka, hindi mo ako mapapaalis. Mananatili ako dito hanggang sa masiguro kong walang masamang mangyayari sa'yo." pagpupumilit ko. Hindi ko pa rin binibitiwan ang pisngi niya at hindi ko mapigilan ang ma cute-an sa mukha niya dahil sa sobrang pag-aalala ko, napipisil ko pala ng maigi kaya mukha siyang naka-pout ngayon. Idagdag pa ang height niya na talaga namang mas matangkad kaysa sa akin, tapos namumugto pa ang mga mata.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Batid kong nagmula ka sa malayong kinabukasan ngunit," natigilan siya at umiwas nang tingin.

"Ngunit ano?" tanong ko.

"Mayroon ba akong dapat na malaman ukol sa magaganap sa aking buhay? Maaari mo bang ibahagi sa akin?" may karapatan siyang malaman ang totoo pero dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat? Pa'no ko sasabihin na mami-meet ko pa siya nearly 300 years later or more?

"Bago ko sabihin sa iyo ang lahat nang nalalaman ko, nais ko munang ibahagi mo sa akin ang lahat nang nakita mo sa pangitain mo." seryosong sagot ko. Parang nagdalawang isip pa siya pero pumayag rin naman pagkalaon. Niyaya niya akong magpunta sa may malaking puno kung saan magandang magpahinga lalo na kapag tanghali dahil malago ang mga dahon nito kaya nagbibigay talaga ng shade. Kapag naman gabi, malamig na simoy ng hangin naman ang yayakap sa'yo.

Naupo kami sa ilalim nito at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"Naalala ko pa noong ako'y batang paslit pa lamang, kay dalas kong magdeliryo. Walang nakaaalam nang sanhi, basta na lamang nangyayari sa aking katawan. Nang ibahagi ko sa aking mga magulang ang aking nararanasan, hindi sila makapaniwala sapagkat malayo sa pagiging pangkaraniwan ang mga pangyayaring iyon." panimula niya. May parte sa isip ko na natutuwa dahil naririnig ko mismo sa kanya ang kuwento ng buhay niya.

"Pa'nong malayo sa pangkaraniwan?" tanong ko. Ngumiti naman siya ng mapait.

"Nakailang beses na akong nakaranas nang kamatayan, hindi, muntik na kamatayan. Sa lahat ng pagkakataon ay hindi iyon natutuloy. Nakararanas ako ng ubod nang gaan at masayang pakiramdam. Tila ako'y ibon na lumilipad kasabay nang hangin. Hindi lamang iyon, nariyang nakikita ko ang sarili kong katawan habang ako'y lumilipad. Animo'y panaginip ngunit hindi." nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya, rinig na rinig din ang mga kuliglig.

"Ipinasuri nila ako sa isang babaylan at namangha sila sapagkat ayon sa kanila, hindi lahat ay nabibiyayaan nang pagkakataon na gabayan nang isang Anito. Sabi nila, hindi nagkataon na Alunsina ang ipinangalan sa akin. Batid mo ba kung sino si Alunsina?" humarap siya sa akin at saka ako tinanong.

"Hindi. Ngunit parang narinig ko na ang pangalan na 'yan dati. Tung- hindi ko na maalala." sagot ko naman. Ngumiti naman siya at saka itinuloy ang sinasabi ko.

UNTIMELYWhere stories live. Discover now