IKAW

733 10 0
                                    

"IKAW"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"IKAW"

I-K-A-W

Ikaw,apat na letra.
Apat na letra na magiging paksa.
Paksa, sa panibago kong tula, Dahil itong makata ay parang sumaya bigla.

Nang bumalik ka na akala ko hindi na.
Hindi na, dahil wala ng namamagitan sating dalawa.

Para akong timang na ngumingiti,
Habang naaalala ang bawat sandali.
Sandali na tayo'y magkasama,
Magkasama nong tayo'y junior high school pa. Mga sandaling ako'y sumaya at siyempre lumuha.

Lumuha dahil sa pangyayaring hindi inaasahan. Hindi inasahan dahil hindi ko naman inabangan.

Puno tayo noon ng asaran,
Dahil nga tayo ay magkaibigan

Pero ng dahil sa mga motibo mo na hindi ko maintindihan, Kung ikaw ba ay may nararamdaman o talagang ako lang ay iyong pinaglalaruan?

Nasira ang ating pagkakaibigan ng dahil lang sa isang sulatan.
Nakakatawang pakinggan , pero hindi na tayo nagpansinan.

Hindi lang araw,linggo kundi umabot ng ilang buwan , ang ating tampuhan.

Tandang-tanda ko pa, araw yon ng mga puso. Kung kailan tayo nagbati diba?

May rosas ka pang nalalaman tas kanta na hindi ko inasahan.

Akala pa ng mga kaklase natin na ako'y iyong nililigawan, dahil tayo lang dalawa ang natira sa silid-aralan.

Tandang-tanda ko pa noon ang aking panlalamig. Habang boses mo'y naririnig
at kanta mo'y hinihimig.

Kasabay ng kamay kong nanginginig
at balahibo kong naninindig.
Dala siguro ng kaba at kilig.

Kilig na akala ko ay magpapatuloy pa,
Pero nawala nalang bigla. Nong tumuntong tayo sa panibagong kabanata, Bigla kang nawala na parang bola.

Naisip ko na baka. May nagustohan ka nang iba. Kaya hindi ka na nagpaparamdam.

Hanggang sa atensiyon ko'y napunta sa iba,
Nong makilala ko siya.

Siya na nagparamdam sakin na ako'y mahalaga, pero bigla din siyang nawala.

Ngayon ika'y nagbalik, hindi ko alam bat ako'y nasasabik.

Pwede bang ituloy yong istorya,
Yong istoryang patungkol sating dalawa?
Na pinutol ng tadhana at ngayon ay ibinalik na.

This is my fifth piece entitled

"IKAW"

SPOKEN POETRY (COMPLETED)Where stories live. Discover now